Isang estudyanteng nakatira sa tagpi-tagping bahay proud na ipinaskil dito ang kaniyang tarpaulin bilang isang bagong engineer!



Maaaring nakatira ang estudyanteng ito sa isang tagpi-tagping bahay ngunit nang makapasa siya sa engineering board exams ay buong pagmamalaki niyang ipinaskil ang kaniyang tarpaulin sa labas ng kanilang tahanan. Nag-aalala at nangangamba pa nga ang kaniyang lola dahil sa hindi maayos na hitsura ng kanilang tahanan.



Sa isang post sa social media ay ibinahagi ni Crystalle Mae Manalo kung gaano nag-alala ang kaniyang mahal na lola dahil sa pagpapaskil niya ng tarpaulin nito sa kanilang tahanan. Ang kaniyang mahal na lola ay nakilala ng publiko bilang si Gloria Mamaradlo.


Kung ang ibang mga estudyante ay maaaring ikahiya ang kanilang sitwasyon, hindi naman ito alintana ni Crystalle. Hindi niya ikinahihiya na tagpi tagpi ang kanilang tahanan.


Narito ang naging pahayag ni Crystalle sa kaniyang social media account:


“Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?
Me: Nay ,yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay… sa lahat.”


Talaga namang umani ng napakaraming positibong komento ang naturang post. Maraming mga netizens din ang pumuri sa nakakamanghang kwento ng dalaga na nagsumikap sa kaniyang pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan.



Si Crystalle ay nakapagtapos ng BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de Letran-Calamba. Siya ay isa ring “Academic Excellence Awardee”!

Sa kabilang banda ay lubos din namang nagpapasalamat ang lola ni Crystalle dahil sa naging masigasig sa pag-aaral ang kaniyang mahal na apo. Ang tiyuhin naman ni Crystalle na si Nowie Cruz Malonzo ay hindi rin maitago ang kaniyang paghanga sa dalaga dahil sa kahit pa nagmula ito sa “broken family” at kinupkop siya ng kaniyang mahal na lola ay hindi ito naging hadlang upang mas maging matiyaga siya sa pag-aaral.


Marami din siyang pinasok na trabaho at pagkakakitaan upang kahit papaano ay masustentuhan ang kaniyang mga gastusin sa paaralan.