Isang housewife nakapag-ipon ng P100,000, nakuha ng St. Peter Plan, at SunLife insurance sa P25,000 halaga na kinikita ng kaniyang mister buwan buwan!



Marami sa atin ang guilty sa katotohanang kahit gaano pa kalaki o kaliit ang ating mga sweldo buwan buwan ay hindi tayo nakapaglalaan ng pera na maiimpok sa bangko o maging sa mga alkansiya sa ating tahanan. Ilan pa nga sa atin ang talaga namang nagtataka kung bakit sa kabila ng malaki nating mga sahod ay kinakapos pa rin tayo sa pang-araw-araw.


Ngunit sa kabila ng marami nating mga dahilan at agam agam patungkol sa pag-iipon, isang misis ang talaga namang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang kakayanang makapagtabi ng pera at makakuha pa ng ilang mga insurance at life plan kahit ang sweldo lamang ng kaniyang mister sa loob ng isang buwan ay P25,000. Talaga namang namangha ang publiko sa nagawang ito ng misis.




Ngayong mayroon na silang baby ay nakapagbukas na rin siya ng isa pang savings account para sa kanilang anak. Balak din niyang magkaroon ng P50,000 na emergency fund.

Paano nga ba nagawa ng isang housewife ang ganito ka-responsible at ka-disiplinadong gawain? Ibinahagi niya ang nakakamangha niyang kwento sa CFO PESO SENSE at ang tanging mensahe niya lamang sa mga nagnanais ding mag-ipon tulad niya ay maging desidido at maghigpit ng sinturon.


Kahit pa nga P25,000 lamang ang kinikita ng kaniyang mister ay hindi pa rin niya kinalilimutang maglaan ng pera para sa kanilang “wants” at maging sa mga kailangang gamit ng kanilang baby. Hindi rin niya pinapalampas ang mga sale sa ilang online shopping app dahil sa mas nakakatipid siya dito lalo na sa mga diapers ng kaniyang baby.


Tunay nga na kung isasapuso natin ang pag-iimpok at mas magiging determinado ang bawat isa sa atin ay magagawa rin natin ang nagawa ng misis na ito. Lalo na at alam nating mas dapat nating unahin at paglaanan ng panahon ang pag-iimpok ng pera para sa ating pamilya kaysa gumastos ng gumastos sa mga bagay na hindi rin naman natin kailangan at hindi rin naman ganoon kahalaga.





error: Content is protected !!