Isang lalaki tinupad ang pangako sa kaniyang dating nobya na pupunta ito sa kaniyang graduation kahit pa break na sila!



Si Pao Atienza ay nakapangako sa kaniyang dating nobya na dadalo ito sa araw ng kaniyang graduation kahit ano pa man ang mangyari. At kahit pa nga hiwalay na sila ay tinupad pa rin niya ang kaniyang pangako sa kaniyang dating minamahal.


At dahil dito ay hindi na nakapagtataka na mag-viral siya at umani ng maraming mga positibong komento mula sa publiko ang kanilang kwento. Ayon sa ibinahaging post ni Pao sa kaniyang social media account ay nagdadalawang-isip talaga siyang pumunta sa araw ng graduation ng dati niyang kasintahan dahil sa ilang buwan na rin silang nagkahiwalay at wala nang komunikasyon pa.\



Ngunit dahil sa kaniyang pagnanais na matupad ang pangako sa kaniyang dating nobya ay tumuloy pa rin siya. Sa espesyal na araw na iyon ay nakausap niya ang ama ng dating nobya at ang kapatid nitong lalaki.
Talaga namang masayang-masaya ang ama ng dalaga dahil sa pagtatapos ng anak. Nang makita ni Pao ang kagalakan sa mga mata ng pamilya ng dating kasintahan ay hindi na niya napigil pa ang kaniyang pagluha.

Nakita pa nga ito ng ate ng dalaga at sinabi sa kaniyang “okay ka lang? kaya mo yan!”. Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapagpa-picture at personal na bumati sa kaniyang dating nakarelasyon.


Malugod naman siya nitong pinagbigyan at kinausap. Labis siyang natuwa dahil sa wakas ay natupad na rin ng dati niyang nobya ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Bagamat hindi na sila magkasintahan sa ngayon ay masayang-masaya pa rin siya para sa dalaga at natutuwa rin siyang natupad niya ang pangako niya rito kahit pa hindi na sila. Talaga namang nakakamanghang malaman na mayroon pa ring mga tao na marunong tumupad sa kanilang mga pangako, kahit pa sa palagay ng marami ay imposible na talaga ito.


Aminin mo, maging ikaw ay bumilib din, hindi ba?




error: Content is protected !!