Kakaibang sari-sari store na matatagpuan sa butas ng isang pader, labis na kinagigiliwan ngayon ng publiko!



Maraming mga tao ngayon ang talaga namang namamangha sa mga kakaibang bagay sa ating kapaligiran. Hindi maipagkakaila na sa modernong panahon natin ngayon ay marami pa ring mga bagay ang talaga namang ikinamamangha ng bawat isa sa atin.



Isa na marahil dito ang kakaibang sari-sari store na kamakailan lamang ay labis na kinagiliwan ng publiko. Sa Facebook page na “Tom Sawyer” na mas nakilala ng publiko bilang “Batang Nobenta” ay makikita ang viral video ng isang lalaki habang sumisilip ito sa isang butas sa pader.


Gumagapang pa nga ang lalaki sa simula ng video dahil sa tila sinisiyasat nito ang butas kung mayroon nga ba talagang tindahan sa kabila nito. Ang naturang butas ay nasa isang bangketa na natatakpan lamang ng isang maliit na kulay asul na “tarpaulin”.


Dahil sa walang ano mang karatola sa lugar ay talaga namang maraming magtataka at magdududa kung mayroon nga talagang tindahan sa butas na iyon. Aakalain mo pa nga na prank lamang ang ginagawang pagtatanong ng lalaki kung mayroon ba silang itinitindang “softdrinks”.


Bukod pa rito ay bumili rin siya ng ilang mga biskwit na katambal ng binili niyang inumin. Talaga nga mamang nakakabilib ang ganitong klase ng tindahan dahil sa likod ng tila madilim na butas ay mayroon pa lang maliit na tindahan na talaga namang kakaiba.



Ang kakaibang tindahan ay natuklasan ng magkaibigan dahil na rin sa naunang customer na bumili rito. Nais lamang sana nilang mamahinga sa naturang parking ngunit hindi nila inaasahang mayroon pa lang malaking sorpresang naghihintay sa likuran ng butas na iyon.

Tunay nga naman na sa panahon natin ngayon at napakarami nang mga nagnenegosyo ng sari-sari store at grocery store ay mayroon pa ring mga bagay na maaaring gawin upang mas maging kakaiba at kahanga-hanga ang inyo mismong tindahan. Kung ganito ba naman ang iyong tindahan, tiyak na maraming matutuwa at maiingganyang bumili sa iyo kumpara sa ibang tindahan.






error: Content is protected !!