Magkapatid lumikha ng isang “enchanting prom gown” na talaga namang kinabiliban ng publiko!



Kinaaliwan ngayon ng maraming mga netizens ang ideya ng magkapatid na ito na lumikha ng isang “enchanting prom gown” na talaga namang hindi mo aakalaing sila mismo ang gumawa! Sa kaniyang Twitter account ay ibinahagi ni Rhea Colasi, isang 16 na taong gulang na estudyante na naninirahan sa Genera Santos City ang mga nakakamangha at naggagandahang larawan ng kaniyang ball gown.


Ayon sa kaniyang post ang kaniyang magandang ball gown dress ay idinisenyo at tinahi nilang magkapatid para sa dadaluhan niyang JS Prom. Ang naturang ball gown ay inilarawan nila bilang isang “peach-colored off shoulder sheer ball gown with a ribbon corset at the back”.



Ngunit sa halip na makikinang na mga “sequins” ang kanilang ilagay dito ay nilagyan nila ito ng built-in lights. Talaga namang kakaiba ngunit napakaganda ng kinalabasan ng kanilang ginawa. Ayon pa kay Rhea, ang kaniyang kapatid na si Rechelle Isaloc ang nakaisip na gumawa na lamang sila ng sarili niyang gown para sa kaniyang JS Prom dahil sa masyado ngang mahal ang mga ball gown lalo na ngayon na sunod-sunod ang mga ball o prom ng mga estudyante.



Kahit pa nga dalawang linggo bago ang kaniyang JS Prom ay naghahanap na sila ng gown ay wala pa rin siyang nakitang babagay sa kaniya bukod pa sa mataas na presyo nito. Kung kaya naman mas minabuti na nilang gumawa na lamang ng isang gown na mula mismo sa malikhain nilang kaisipan.

Hindi man naging madali para sa magkapatid ang ginawa nilang gown ay talaga namang masayang-masaya sila sa kinalabasan ng kanilang obra-maestra. Hindi lamang sila nakatipid ng husto kundi nakagawa pa sila ng isang nakakamanghang gown na mula mismo sa kanilang pagtitiyaga at pagiging malikhain.



Napakaraming mga netizens ang talaga namang pumuri at namangha sa ginawa ng magkapatid. Tunay nga na hindi mo din naman kailangang gumastos ng mahal para lamang magkaroon ng magandang gown para sa isang okasyon lalo na kung isang beses mo lamang itong gagamitin.




error: Content is protected !!