Napakasarap na adobong paa ng manok na may sili, sobrang nakakagutom talaga!



Tayong mga Pilipino ay ilan lamang sa mga bansa na mayroong masasarap na putahe ng pagkain. Mayroon tayong napakasasarap na mga putahe ng ulam, meryenda, panghimagas, pulutan at marami pang iba.


Ilan sa mga ipinagmamalaki nating pagkain sa bansa ay ang lechon, sisig, adobo, sinigang, suman at iba pang kakainin, mga street food na dito din lamang matitikman sa Pilipinas tulad na lamang ng chichaw, bituka ng manok, barbecue, leeg, kwek-kwek at marami pang iba.



Tila hindi na nga rin maipagkakaila na marami sa ating mga Pilipino ang masarap magluto dahil bata pa lamang tayo ay tinuturuan na tayong magluto at mag-asikaso ng kusina. Ito ay hindi lamang para sa ating kapakanan kung hindi para na rin sa ating magiging pamilya sa hinaharap.


Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng maraming mga netizens ang mga larawan kung saan makikita ang napakasarap na putahe na paborito ng mga Pilipino hindi lamang ito pwedeng papakin, dahil sa napakasarap din nitong tambalan ng mainit na kanin at ipang-ulam. Marami pa nga sa atin ang ginagawa rin itong pulutan.


Talaga namang napakaraming mga netizens ang nagkomento sa naturang social media post. Sino ba naman kasi ang hindi matatakam at hindu magugutom sa isa sa pinaka-kakaiba ngunit isa rin naman sa pinakamasarap nating putahe dito sa bansa.


Marami ding mga dayuhang turista ang nakakatikim ng pagkain na ito at talaga namang papasa ito sa kanilang mga panlasa. Kung dati rati ay itinatapon lamang ng ating mga lolo at lola ang mga paa ng manok, ngayon ay mas nagkaroon na ito ng importansya at kahalagahan dahil sa masarap na pagkakaluto sa mga ito.


Hindi lamang ito laman tiyan at makapapawi ng ating gutom ngunit talaga namang maipagmamalaki din natin sa ibang lahi na dumarayo sa ating bayan. Tunay ngang napakasarap maging isang Pilipino lalo na sa nakalakihan nating kultura at tradisyon.




error: Content is protected !!