Pitong taong gulang na bata nagtitinda ng mga gulay pagkatapos ng kaniyang klase para sa maysakit niyang ina!



Pitong taong gulang pa lamang ang bata na ito na dapat sana ay paglalaro at pag-aaral lamang ang iniintindi ngunit pagkatapos ng kaniyang klase ay naghahanap-buhay na ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay para lamang makatulong sa kaniyang ina na may sakit. Umantig sa puso ng publiko ang pinagdaraanang hirap ng bata sa kabila ng kaniyang murang edad at kamusmusan.


Marami din ang nagpahayag ng kanya-kanyang paghanga sa batang ito na talaga namang kakikitaan mo ng katatagan at diskarte sa buhay. Ang naturang bata ay nakilala bilang si Jhoncent.



Nakuhanan siya ng larawan habang siya ay nakasakay noon sa isang dyip bitbit ang isang palanggana ng mga gulay na kaniyang ilalako pagkatapos ng kaniyang klase. Ang kaniyang ina ay kasalukuyang nasa banig ng karamdaman kung kaya naman hindi ito makapaghanap-buhay para sa kaniyang pamilya.

Kung kaya naman kahit bata pa ay si Jhoncent na muna ang sumalo sa kaniyang ina upang kahit papaano ay mayroon silang pagkain sa isang araw. Talaga namang hindi napigilan ng maraming mga netizens ang maantig sa kwentong ito ng bata.


Hindi madali ang makaranas ng ganitong uri ng sitwasyon kung kaya naman ilang mga netizens din ang nag-tag sa mga kilalang problema tulad na lamang ng mga programa nina Raffy Tulfo at Jessica Sojo. Maaaring mahirap nga ang buhay natin sa ngayon ngunit sa kabila ng kahirapan ay hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa bagkus ay patuloy tayong bumangon para sa ating mga mahal sa buhay.


Hindi magiging madali ang lahat ngunit kung mayroon tayong determinasyon at pananalig na mapagtatagumpayan din natin ang lahat ng ating kinakaharap na mga pagsubok ay tiyak na walang magiging mabigat na problema sa atin. Ito na marahil ang aral para sa ating lahat na kung ang bata ngang si Jhoncent ay nananatiling matatag at determinado sa buhay sa kabila ng kaniyang edad at pinagdaraanan, tayo pa kayang mas marami nang magagawa para sa ating sarili at sa kapwa?




error: Content is protected !!