Isang lalaki na kakapasa pa lamang sa “driver’s test”, nailaglag ang kaniyang bagong sasakyan sa ilog!



Masayang masaya sa pagmamaneho ang lalaki na ito dahil sa nakapasa na siya sa “driver’s test”. Ngunit dahil din dito kung kaya naman nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.



Nagbabasa siya noon ng mga mensahe ng kaniyang mga kaibigan dahil sa naipasa na niya sa wakas ang “driver’s test” ngunit hindi niya inaasahan na ang bago niyang sasakyan ay mailalaglag niya mismo sa isang ilog! Ang naturang lalaki ay nakilala bilang si Zhang bagamat hindi alam ang tunay niyang edad ay hinala ng mga naging saksi na siya ay nasa edad bente anyos o di kaya naman ay bente anyos pababa.


Siya ay nagmamaneho noon sa Meitan sa Zunyi sa probinsiya ng Guizhou sa Katimugang Tsina. Ayon sa mga lokal na ulat ay masayang masaya noon si Zhang dahil sa nakapasa na siya sa “driver’s test” at sa wakas ay mamamaneho niya na ang bago niyang sasakyan kung kaya naman ibinahagi niya ang kaniyang kagalakan sa social media.


Ngunit ang naging malaking pagkakamali niya ay hindi siya nag-ingat at patuloy pa rin siyang gumamit ng cellphone kahit pa siya ay kasalukuyang nagmamaneho. Habang masaya siyang nagbabasa ng mensahe ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang cellphone ay hindi niya namalayan na paliko na pala siya sa isang pababa at pakurbang daan ngunit dahil bigla na lamang niyang nakita ang dalawang tao sa daan ay bigla siyang lumiko at tuluyan na siyang nalaglag sa tulay ng Laoping.


“While I was driving, I tried to grab my phone and read some messages while two people were in front of me on the bridge. I became nervous and turned left suddenly. Luckily, the car floated for a while. I couldn’t open the driver’s door; so, I had to kick open the door on the other side. Otherwise, I may never have got out as my hand was dislocated in the chaos.” Pahayag niya.



Tinulungan naman siya ng mga residente roon nang siya ay makalangoy papalayo sa kaniyang sasakyan. Kalaunan ay dumating at tumulong na din ang mga pulis upang maiahon ang kaniyang sasakyan.




error: Content is protected !!