Isang netizen nakpagpatayo ng paupahang bahay, computer shop at nakabili ng pangarap niyang sasakyan dahil sa kaniyang mga “homemade icedrop”



Mahirap ang buhay, ngunit nasa sa atin pa rin ang magiging tagumpay natin sa kinabukasan. Maraming mga mahihirap na nagtitiyaga at nagsusumikap sa buhay kung kaya naman nakakamtab din nila ang mga pangarap nila sa buhay.



Maraming mga kabataang Pilipino ang nagsusumikap na magtapos ng kanilang pag-aral dahil sa batid nilang mas magkakaroon sila ng tyansa na maabot ang kanilang mga pangarap at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Habang mayroon namang ilan na mas minabuti nang magtrabaho at gamitin ang kanilang diskarte sa buhay upang mas maging matagumpay sila.


Isa na marahil dito ang netizen na nakilala bilang si Emmanuel M. Jagmis na nagbahagi ng kaniyang nakakamanghang kwento sa social media. Ayon sa kaniyang post ay mahigit sa tatlong dekada na rin siyang nagtitinda ng “homemade” na icedrop sa kanilang lugar.


Dahil sa mayroong malapit na paaralan sa kanilang lugar ay talaga namang pumatok ang kaniyang paninda sa maraming mga estudyante. Nakapagpundar siya ng isang paupahan, computer shop, at tindahan.


Bukod pa rito ay nakabili na rin siya ng sarili niyang sasakyan na matagal na panahon na niyang pinapangarap. Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang kaniyang viral post.



Nagsilbi rin siyang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na nagnanais ding makapagpundar at maging matagumpay sa kanilang buhay. Tunay nga na nagkaroon siya ng diskarte sa buhay at nagsumikap siya upang makamtan niya ang mga bagay na mayroon siya ngayon.

Marapat lamang na tulad niya ay hindi tayo mapagod o mawalan n pag-asa kaagad bagkus ay manatili tayong matatag at determinado sa mga bagay na nais nating makamit sa ating buhay. Wala rin namang ibang tutulong at magpupursige para sa atin at sa ating mga pangarap kundi tayo lang din.



Dahil sa kwento na ito ay nagkaroon tayo ng lakas ng loob at inspirasyon na mas magsumikap pa sa buhay dahil darating din ang panahon na magbubunga ang lahat ng ating mga sakripisyo.




error: Content is protected !!