Malunggay, maaring makatulong upang mapalakas ang resistensiya at makaiwas sa COVID-19!



Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga yata maiaalis ang pangamba at panganib na dulot ng mga nakakahawang sakit. Tulad na lamang ng Novel Coronavirus na talaga namang nagdudulot ng kapahamakan at pagpanaw sa mga nakakakuha ng ganitong uri ng sakit.


Kung kaya naman sa kabila ng nakakatakot na paglaganap nito sa iba’t-ibang panig ng mundo ay patuloy pa ring pinaaalalahanan ang publiko na maging malinis hindi lamang sa kapaligiran, sa sarili at maging sa mga hinahandang pagkain. Kamakailan lamang ay hinimok ng Department of Health (DOH) na kumain ng malunggay ang publiko sa gitna ng paglaganaap ng novel coronavirus (COVID-19) sa Pilipinas.




Ayon din sa pahayag ng nutritionist na si Salina Teo ay maraming nutritional properties ang malunggay na talaga namang makatutulong sa ating katawan upang labanan ang naturang virus.

Mataas ang malunggay sa Vitamin A na ang pangunahing tungkulin ay para sa “immunity” ng ating katawan.


Mayaman din sa mga mineral tulad ng calcium, iron, potassium, protein at fiber ang malunggay. Hindi man lubusang malulunasan ng malunggay ang sakit na ito ay tiyak na makakatulong ito sa ating “immune system” at mababawasan ang tyansa nating makuha o matamaan ng sakit na ito.

Ang malunggay ay kilala rin sa tawag na Moringa Oleifera o Moringa na kilala sa paggamot ng mga sakit tulad ng diabetes, diarrhea, sakit sa balat, at iba pa. Hindi madali ang magkaroon ng sakit o karamdaman.


Kung kaya naman mas makabubuti talaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pangangalaga sa ating kalusugan.

Ang ating kalusugan ay isa sa ating mga kayamanan kung kaya naman sa murang edad pa lamang ay dapat natutunan na natin ang magpahalaga at magbigay ng importansya sa ating katawan at sa ating kalusugan.



Kung kaya naman huwag kalilimutang kumain ng wasto at ng masusustansiyang mga pagkain, uminom ng maraming tubig, at mag-ehersisyo.

Panatilihin din ang matatag na pananampalataya sa Diyos at palaging maging positibo at masaya sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok.

Source: GMA NEWS, www.pinoyformosa.com




error: Content is protected !!