Isang foreigner na nakatira sa isang barong-barong mag-isa at nasa hindi magandang kalagayan, kumurot sa puso ng mga netizens!



Isang matandang foreigner ang mag-isang nakatira sa isang masikip na barong-barong ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Batid naman ng maraming mga Pilipino na kapag sinabing dayuhan o foreigner ay tiyak na mahusay magsalita ng Ingles, nakatira sa ibang bansa, at maraming pera.


Ngunit talaga namang naantig ang damdamin ng mga netizens ng makita nila ang kalagayan ng isang dayuhang ito na sa isang barong-barong lamang nakatira. Hindi man sigurado ng maraming mga netizens ang tunay na kwento ng taong ito ay marami pa rin sa kanila ang may hinala na isa ang mga foreigner na ito sa mga dayuhang naiisahan ng ilang mga kababaihang Pilipina na sa una ay kukuhanin ang loob ng isang lalaking dayuhan at pagkatapos nilang magkita at makuha ang lahat lahat ng kanilang pera at gamit ay bigla na lamang silang iiwan nang wala kahit singko sa kanilang bulsa.




Nakakalungkot man ngunit ito ang kadalasang kinahihinatnan ng mga foreigner sa ating bansa. Isang concerned netizen ang nagbahagi ng kaniyang larawan at nakilala ito bilang si Solyn Calderon.

Sa ibinahagi niyang larawan ay makikita ang makitid na lugar kung saan tumutuloy ang foreigner at makikita rin na sadyang napakahirap kumilos, tumayo, o humiga rito. Mayroon din siyang maliit na kalan de uling at kawali sa kaniyang maliit na tahanan.


Marahil ay mas mainam na nga ito kaysa sa lansangan siya tumuloy ngunit talaga nakakaawa pa rin ang sitwasyon na kaniyang sinapit sa sarili nating bayan. Mahirap makita na sa kaniyang edad ay ganitong klase pa ng pamumuhay ang kaniyang dinaranas.


Kung sana ay matulungan siya ng kinauukulan upang makabalik siya sa kaniyang bansa o di kaya naman ay makontak man lamang ang kaniyang pamilya at kamag-anak. Tunay nga na marami tayong mga pagsubok na pinagdadaanan sa buhay.



Ngunit nananatili tayong malakas at matatag dahil na rin sa kasama natin ang ating mahal sa buhay. Kung kaya naman sana ay matugunan rin ang hindi kaaya-ayang sitwasyon ng hindi pa nakikilalang dayuhan.




error: Content is protected !!