Sweet photos ni Kiray Celis at non-showbiz boyfriend nitong si Stephan Estopia pinag-uusapan ngayon ng publiko!



Pag-ibig, maaaring isang simpleng salita lamang sa iilan ngunit napakamakapangyarihan at kaya ring maging dahilan ng mga imposibleng bagay. Maaaring sa mga panahon na ito ay nakilala mo na at kasa-kasama mo na ang taong pinakamamahal mo ngunit mayroon din namang ilang mga indibwal na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring naghihintay sa taong makakasama nila sa buhay.


Marahil ay isa ka na rin sa mga taong nasawi na ang puso dahil sa pag-ibig, ngunit sa kabila ng lahat ay naging matapang pa rin at tumayong muli. Mayroon din namang ilang mga indibidwal na pinagpala at talaga namang maligaya na kasama ang kanilang minamahal.




Tulad na lamang ng Kapuso star at mahusay na komedyanteng si Kiray Celis. Hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan nang dahil sa pag-ibig ngunit ngayon ay masayang masaya na siya sa kaniyang tinatamasang kaligayahan kasama ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.


Sa katunayan ay pinag-uusapan nga sa ngayon ang kanilang mga sweet na larawan na kuha sa isang farm sa Naic, Cavite. Talaga namang napakaganda ng mga tanawin dito at mayroon din silang iba’t-ibang mga atraksyon mula sa iba’t-ibang tourist destination sa mundo.



Para ka bang nag-“around the world” nang hindi sumasakay ng eroplano at hindi na kailangan pa ng visa o pasaporte. Maraming mga netizens ang talaga namang napasana-all sa mga sweet na larawan nila na aakalain mong “Prenup Photoshoot” na.


Ngunit paglilinaw ng aktres na hindi pa sila magpapakasal at hindi pa ito ang kanilang “prenup sh00t” kundi “prenup trip” pa lamang. Sila ay nagdiwang ng ikatlong buwan nila maging magkasintahan noong ika-13 ng Marso, 2020.



Isa na nga sa mga sikat na artista na nagkomento sa post ng aktres ay si Lovi Poe na tinawag namang “Aling Virgie” ni Kiray hango sa tunay na pangalan ni Lovi na Lourdes Virginia Moran-Poe.




error: Content is protected !!