Basketball court sa loob ng isang kweba nagdulot ng pagkamangha sa maraming netizens!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang nahihilig sa isports lalo na para sa mga kabataan. Ilan sa pinakapaborito ng mga kabataang Pilipino sa ngayon ay ang larong basketball.


Hindi na nga nakapagtataka na mas maraming mga kabataan sa ngayon ang nakakaiwas sa masamang bisyo at sa hindi magandang impluwensiya ng mga barkada. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang basketball court na ito.




Ngunit hindi katulad ng tipikal na basketball court ay matatagpuan ito sa loob ng isang yungib o kweba! Nakakamangha hindi ba? Ang naturang court ay matatagpuan mismo sa isang village sa Guizhou province sa Tsina.


Napagkalooban ang naturang komunidad ng government grant na nagkakahalaga ng 100,000 yuan o $14,400 kasama pa ang ilang mga donasyon na tinatayang aabot sa 45,000 Yuan o $6,500 para lamang maipatayo ang kamangha-manghang basketball court.

Maraming mga residente sa lugar lalo na ang mga kabataang lalaki ang talaga namang nasisiyahan na maglaro dito. Maraming mga netizens naman ang talagang bumilib at namangha sa naturang court! Narito ang ilan sa kanilang mga naging pahayag:


“ Ican barely imagine the sound of the bouncing ball, it will echo for sure… I want to hear the voice of all the people shouting inside of that cave.” Pahayag ng isa.

“Para maalis lahat ng paniki kung saan nanggaling ang COVID-19, ginawa nilang court ang cave…hahaha,” nagbiro naman ng isang netizen.




“Sarap maglaro diyan, lalo na kapag may katropa kang mabaho ang hininga! Sisigaw ka ng ‘Ang baho ng hininga ni Jason!! Iikot mata niyon, sampu ba naman kayong nasa loob ng court tapos ume–echo pa! Buong game maririnig niya baho ng hininga”. Komento naman ng isa pa.

“This is really amazing. Nakatipid sila sa pagpapatayo ng covered court. Huwag lang sanang magkaroon ng pagyanig, kundi kawawa naman ang mga players,” pahayag naman ng isa.