Jimuel Pacquiao, mamimigay ng isa sa mga koleksyon niya ng kaniyang branded shoes sa mapalad na netizen!



Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ang pamilya Pacquiao ang isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas sa ngayon. Nagmula sila sa hirap at ngayon ay tinatamasa na nila ngayon ang bunga ng kanilang mga sakripisyo at pagpapagal sa buhay.



Si Manny Pacquiao ay kilala bilang isang legendary boxer sa buong mundo at talaga namang nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa mga nagdaang dekada dahil sa husay niya sa pagboboksing. Bukod pa rito ay labis siyang minamahal ng mga Pilipino dahil sa kaniyang matatag na pananampalataya at ang kaniyang bukas-palad at buong puso na pagtulong sa kapwa.


Ang mag-asawa na sina Manny at Jinkee Pacquiao ay biniyayaan ng limang mga anak na sina Jimuel, Michael, Queenie, Princess, at Israel. Nag-aaral sila sa pinakaprestihiyosong paaralan sa bansa at talaga namang makikita din sa mga anak ng celebrity power couple ang magandang pagpapalaki ng mag-asawa sa kanila.


Kamakailan lamang ay naglabas ng isa na namang video ang panganay nila na si Jimuel na talaga namang kinabiliban ng publiko. Ito ay tungkol sa mga koleksyon ng sapatos ng binata.

Ayon sa kaniya ay hindi naman talaga niya ito hilig noon ngunit nahikayat siya ng kaniyang mga pinsan na bumili at mangolekta na rin ng mga ganitong uri ng sapatos kalaunan. Una na sa mga koleksyon niya ng branded na mga sapatos ay ang “Yeezy“. Nagustuhan niya ito dahil sa komportable itong isuot at talagang popular sa mga kabataang tulad niya.




Ngunit bukod pa rito, aminado ang binata na siya ay isang “Gucci person”, at talaga namang komportable siyang magsuot ng mga damit at sapatos na Gucci. Mayroon din siyang mga Jordan shoes dahil sa hilig din niya ang pagbabasketball.

Mayroon din siyang Louis Vuitton shoes, Anta X Manny Pacquiao na merchandise mismo ng kaniyang ama kung saan mayroong makikitang “MP” na tatak dito. Ang “Anta X Manny Pacquiao” din ang palagi niyang gamit sa tuwing siya ay tumatakbo, nagsasanay, o pumupunta sa gym.

Labis din namang hinangaan ang pagiging mapagbigay ni Jimuel dahil sa magbibigay ito ng isang pares ng sapatos mula sa kaniyang koleksyon sa maswerteng netizen. Ito ang kaniyang paraan ng pagpapasalamat dahil sa naka-100,000 subscribers na ang kaniyang YouTube channel at nakatanggap siya ng “Silver Button” kamakailan lamang. Congrats Jimuel!