Lalaki hinikayat ang publiko na irespeto ang mga ‘professionally licensed’ construction workers kahit wala silang mga “college degree”



Aakalain nating madali at simple ang mga trabaho ng mga karpintero at mga construction worker ngunit talaga namang hindi ito biro. Hindi man sila nakapagtapos ng kolehiyo at nakatanggap ng kanilang mga diploma ngunit sila ang isa sa mga dahilan kung kaya nakapagpapatayo ng mga gusali, tahanan, paaralan, at iba pang mga establiyemento.



Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang respeto ng lalaki na ito sa mga construction workers. Ayon sa kaniya ay talaga namang dapat pasalamatan, irespeto at huwag maliitin ang mga taong ganito ang trabaho. Ang naturang lalaki ay mula sa Baguio City. Siya ay nakilala bilang si Ryan Gumaya.

“My construction exposure has spanned more than 10 years. Nung nagsisimula pa lang, iba ang perception ko sa mga tao. Magtratrabaho sila ng isang linggo tapos iinom ‘pag sahod tapos ganun ulit. Habang tumatagal na ‘ko, dun ko sila mas na-appreciate. Behind these simple men, kahit walang college degree, tatalunin nila sa skills ang mga baguhang may lisensya. Their mastery in their craft deserves to be acknowledged because no house, school, hospital, hotel, mall or church can be built without them.” Pahayag ni Ryan.


“Iiwan ang pamilya para sumahod at magtrabaho para sayo. Hindi biro yung ilang taon na binibigay nila para maging magaling na pintor, karpentero, tilesetter etc. Kaya dapat irespeto nating mga “professionally licensed” mga kasamahan natin sa site. We may have had years of study, but they have years of experience and skills that we may never be able to acquire in our professional practice,” Dagdag pa niya.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang kaniyang post sa social media. Tunay nga na kahit kailan ay hindi natin dapat maliitin ang sino man dahil lamang sa kaniyang edukasyon, pamumuhay, o maging sa laki at liit ng kaniyang sweldo.





error: Content is protected !!