Mansyon nina Jinkee Pacquiao sa GenSan, mayroong sariling covered court at swimming pool!



Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao ay 41 taong gulang na dating pulitiko, socialite, media personality, film producer at ang asawa ng legendary boxer na kilala sa buong mundo na si Manny Pacquiao. Siya ay nagsilbi bilang bise-gobernador ng Sarangani taong 2013 hanggang 2016.



Siya ay isinilang noong Enero 12, 1979 sa General Santos City. Mayroon siyang isang kakambal na babae na si Janet.


Ayon sa ilang mga ulat ay nagtrabaho siya bilang isang beauty consultant bago pa man niya makilala at maging asawa si Senador Manny Pacquiao. Mayroon silang limang mga anak sina Jimuel, Michael, Queenie, Princess, at Israel.


Kamakailan lamang ay talagang bumilib ang publiko dahil sa napakaganda at napakalawak nilang tahanan sa GenSan na ipinasilip ni Jinkee sa kaniyang YouTube channel. Talaga namang mapapansin ang napakaganda at napakalawak ng kanilang mansyon.


Mayroon silang sariling basketball court sa kanilang tahanan na talaga namang napakalawak rin bukod pa ang kanilang swimming pool o pool area kung saan sila nagdadaos ng mga birthday party at iba pang okasyon. Mayroon din silang dining area na noon ay open space lamang.



Mas nais ni Jinkee ang hiwalay na dining area sa kanilang tahanan kung saan sila magsasalo-salong mag-anak. Napakarami ding koleksyon ni Jinkee ng kanilang mga larawan na naka-frame.

Hilig na daw niya noon pa man ang pagpapaframe ng mga larawan ng kaniyang mga anak dahil sa nais niyang makita ang kanilang paglaki. Gayundin naman ay mayroon din silang mga larawang mag-asawa kung saan nagsisilbing alaala ng mga dinaluhan nilang pagtitipon o mga importanteng okasyon sa kanilang buhay.



Bukod sa maraming mga materyal na bagay ay talaga namang hinangaan din ang pagiging mananampalataya ni Jinkee na sa kabila ng mga pinagdaanan nilang pagsubok ay nanatili pa rin na matatag at masaya ang kanilang buhay hangang sa ngayon. Tunay nga na kung nasa kalagitnaan ng inyong relasyon ang Panginoon walang sino man ang maaaring makasira dito.




error: Content is protected !!