Isang lalaki ang nagrefill na lamang ng alkohol sa isang cashier ng mall imbes na magpanic buying!



Sadyang napakaraming nakakagimbal na balita ang bumuluga sa maraming mga Pilipino nitong nagdaang mga araw at maging sa mga tao sa buong mundo. Ito ay dahil nga sa paglaganap ng nakakatakot na sakit na Novel Coronavirus o COVID-19.


Marami na ang mga napaulat na nasawi dahil sa naturang sakit at marami na ring bansa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang apektado at patuloy pa sa paglobo ang naturang sakit. Kung kaya naman upang makaiwas ang publiko sa panganib ng sakit na ito ay kanya-kanya na silang paghahanda, pag-iimpok ng mga pagkain, bitamina, mga alkohol, sanitizer, at face masks para sa kanilang kaligtasan at maging sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.



Nakakalungkot nga lamang isipin dahil sa napakaraming mga Pilipino ang patuloy at patuloy na namamakyaw ng mga kahong-kahon na mga alkohol at face masks na pangunahing pangangailangan sa mga panahon ngayon at kanilang ibinibenta sa mas mataas na halaga. Sa kabila ng nakalulungkot na balita na ito at sa sakit na banta sa buhay ng bawat isa ay patuloy pa ring nananalig ang maraming mga Pilipino na ito ay pagsubok lamang at malalampasan din natin ang lahat ng ito sa tulong, gabay at habag ng Diyos.

Kamakailan nga lamang ay kinagiliwan ng publiko ang lalaki na ito na imbes na makipag-agawan at makipagtulakan sa mga pamilihan upang makabili ng alkohol para sa kaniyang sarili ay nagrefill na lamang ng kaniyang maliit na lalagyan ng alkohol sa isang cashier ng mall! Siya ay nakilala bilang si Jaye Rb Sico.


Ayon sa caption ni Jaye ay tila pabiro niyang sinabi na bakit pa kailangang magpanic-buying ng ilang mga tao kung mayroon namang libreng mga alkohol sa mga mall? Talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito ni Jaye.


Bandang huli ay nilinaw din ni Jaye na ang kaniyang post ay katuwaan lamang at pampagoodvibes para sa publiko dahil sa hindi naman umano siya nagrefill ng alkohol dahil sa ipinagbabawal ito sa naturang establisyemento. Masaya naman si Jaye na kahit papaano ay nakapagdulot siya ng ngiti sa ilang mga Pilipino sa gitna ng pangamba sa sakit na COVID-19




error: Content is protected !!