13 kilo sa loob lamang ng 3 buwan ang nabawas sa ginang na ito dahil sa napakagandang paghahanda niya ng kaniyang mga diet food!



Ang panglabas na kaanyuan ay isa sa pinakamahalagang bagay na talaga namang iniingatan ng marami sa atin. Para sa maraming mga kababaihan o sa ilang mga kalalakihan, ang pagkakaroon ng magandang hitsura, makinis na balat, at balingkinitang pangangatawan ay isa sa pinaka-importanteng bagay sa kanilang buhay.


Kung kaya naman marami sa atin ngayon ang hindi na nagdadalawang-isip na magpaganda sa pamamagitan ng pagpaparetoke, o sa pagsailalim sa mga operasyon para lamang makamit ang nais nilang hitsura. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa rin pa lang mga pamamaraan kung saan hindi mo na kinakailangan pang sumailalim sa mga operasyon at hindi mo na rin kakailanganin pang gumastos ng malaking halaga ng salapi.




Sa katunayan, mayroong isang ginang ang labis na hinahangaan ngayon dahil sa nakapagbawas lang naman siya ng 13 kilo sa kaniyang timbang sa loob ng 3 buwan lamang! Pambihira hindi ba?


Siya ay walang iba kundi si Nurain Sazila na nagpatunay sa marami na kaya nating magbwas ng timbang at magpapayat habang kumakain ng masarap. Pinamangha ng Malaysian na nanay na ito ang publiko dahil sa napakagandang mga larawan ng kaniyang pagkain na ibinabahagi niya sa social media.



Ang mga ito ay makikita sa Facebook page na Diet Suku Suku Separuh. Talaga namang ang kaniyang “plating” o paghahanda sa kaniyang mga pagkain ay nakakagutom! Labis siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kung noon ay 75 kilo siya, ngayon ay 57 kilo na lamang siya. Karamihan sa kaniyang mga kinakain ay mayroong gulay at prutas, kanin, karne at sawsawan.


Nagbigay-payo din siya sa mga nais magsimula ng ganitong klase ng dyeta. Mas maraming “fiber” sa kanilang plato ay mas mainam, nakapagbawas siya ng 13 kilo sa loob lamang ng 3-4 na buwan.



Huwag din dapat magmadali at maging mapagtiis upang magtagumpay sa pagbabawas ng timbang. Talaga namang manghang-mangha ang publiko sa nagawa at sa inspirasyon ng Malaysian mommy na ito.




error: Content is protected !!