Ai-Ai Delas Alas proud na misis sa kaniyang mister na si Gerald Sibayan na nagtapos na sa kaniyang flying school!



Napakahalaga ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino. Ito ang unang hakbang upang makamtan nila ang kanilang pangarap sa buhay. Maging ang pangarap nilang propesyon sa hinaharap ay madali nilang makakamit kung sila ay nakapagtapos ng pag-aaral. Maraming mga pangarap ang nagkakatotoo at nabibigyang daan dahil dito.


Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ganoon na lamang ang pagpapaalala ng ating mga magulang na unahin muna natin ang pag-aaral bago ang kung ano pa man. Dahil sa ang edukasyon ay isang kayamanang maipapamana sa atin ng ating mga mahal na magulang na talaga namang papakinabangan natin pagdating ng panahon at magdudulot din sa atin ng kaginhawahan at tagumpay.



Tulad na lamang ng mister ng sikat na komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas. Kamakailan nga lamang ay nakapagtapos na si Gerald Sibayan sa kaniyang “flying school”. Masayang ibinahagi ni Ai-Ai ang magandang balita sa kaniyang Instagram account. Dito ay nagbahagi ng ilang mga larawan ng naganap na graduation ceremony ng mister.



“Masayang masaya ako dahil parati mong naiisip ang future natin. The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.” Pahayag ni Ai-Ai. “Thank you so much my wife sa pagiging supportive mo sa ‘kin sa lahat ng gusto ko mangyari at mangyari sa buhay natin.” Nakakakilig namang sagot ni Gerald.


Talaga namang hinangaan ng publiko ang pagmamahalan nila at suporta para sa isa’t-isa. Kinilig din ang marami dahil sa matamis na mensahe ni Ai-Ai para kay Gerald at maging ang naging mensahe ni Gerald sa Kapuso host and comedienne.


Maaalalang Disyembre taong 2017 nang ikasal sina Ai-Ai at Gerald sa Quezon City matapos ang halos tatlong taon nilang pagiging magkasintahan. Ang buhay may-asawa ay hindi nga madali ngunit ito ay napakagandang biyaya mula sa Diyos lalo na ang pagkakaroon ng isang mapagmahal at maalalahaning asawa.



Hindi lahat ay nabibiyaan ng ganitong klase ng tao sa kanilang buhay kung kaya naman napakapalad talaga nina Ai-Ai at Gerald dahil kapiling nila ang isa’t-isa sa hirap at sa ginhawa at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.




error: Content is protected !!