Cute childhood photo ni Judy Ann Santos, pinagkakaguluhan ngayon ng publiko!



Si Judy Anne Lumagui Santos-Agoncillo o mas kilala ng publiko bilang si Judy Ann Santos ay 41 taong gulang na aktres, reality television host, recording artist, film producer, chef, author at social media influencer dahil na rin sa kaniyang Youtube Channel na Judy Ann’s Kitchen. Tinagurian siya bilang tagapagmana ni Nora Aunor na kilala din bilang isang mahusay na aktres ng kaniyang henerasyon at maging sa ngayon.



Nakilala din siya ng publiko bilang Prime Superstar at Queen of Philippine Soap Opera. Nagsimula siya bilang isang child actress at mula noon ay naging matagumpay na siya sa industriya at mas nakilala pa sa larangan ng pag-arte.



Siya ay mayroong adopted daughter na si Yohan. Taong 2005 nang inampon niya ito. Nakilala naman niya ang kaniyang mister na si Ryan Agoncillo sa programang Krystala noong 2004. Hunyo 2008 nang sila ay magplanong magpakasal at Marso 2010 naman nang ibahagi nila sa publiko ang pagdadalang-tao ng aktres. Pinangalanan niya itong Juan Luis. Taong 2016 naman nang isilang niya ang kanilang ikatlong anak na si Juana Luisa.



Talaga namang napaka-cute ng kanilang mga anak. Hindi na ito nakapagtataka dahil noon pa man ay napaka-cute na din ng kanilang Mommy Juday. Sa katunayan ay mayroon pang kumakalat ngayon na childhood photo ng aktres kung saan talaga namang makikita ang kaniyang inosente ngunit mala-anghel na mukha. Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang larawan na ito g aktres.


Marami pa nga ang nagsasabing napakaganda na ng kaniyang mga labi noon pa man, gayundin ang kaniyang nangungusap na mga mata. Ilang mga netizens din naman ang nakapansin nang pagkakamukha ng batang Juday sa kaniyang mga anak na aakalain mong mga pinagbiyak silang bunga.



Talaga namang nakakatuwang makita at balikan ang mga dating larawan na nagpapaalala sa atin ng maraming magagandang mga alaala. Mga nakakatuwang alaala na maaari pa ding makita ng ating mga anak at mga mahal sa buhay makalipas ang mahabang mga taon.



error: Content is protected !!