Kris Aquino pinasalamatan si Willie Revillame dahil sa pagpapatuloy nito sa kanila sa kaniyang beach reasort!



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay 49 na taong gulang na host, aktres, prodyuser at social media personality. Siya ay binansagang “Queen of All Media” dito sa Pilipinas.



Naging host na rin siya ng maraming mga game shows at talk shows. Siya ang bunsong anak ng dating Senador ng bansa na si Benigno Aquino Jr. at ang namayapang Corazon Aquino na nagsilbi bilang ika-11 Presidente ng Pilipinas.


Ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Benigno S. Aquino III naman ay naging ika-15 Presidente din ng ating bansa mula taong 2010 hanggang 2016. Talaga namang labis siyang hinahangaan ng publiko hindi lamang sa kaniyang personalidad kung hindi maging sa mga bagay na naibabahagi niya sa maraming mga kababaihan at kabataan dahil na rin sa kaniyang mga adbokasiya.


Bagamat hindi na siya madalas na mapanuod sa mga pelikula at telebisyon ay nasusubaybayan pa rin siya ng kaniyang mga tagahanga sa kaniyang mga social media accounts. Sa katunayan, kamakailan nga lamang ay muli na naman siyang naging laman ng mga balita dahil sa pagpapahayag niya ng kaniyang taos sa pusong pasasalamat sa kaniyang kaibigan na si Kapuso host at comedian na si Willie Revillame dahil sa pagpapahiram nito ng kaniyang sariling beach resort sa kaniyang pamilya sa mga panahon na hindi pa sila maaaring manatili sa kanilang tahanan.

Narito ang naging pahayag ni Kris kung bakit hindi pa muna sila makakauwi sa kanilang tahanan bukod pa sa “community quarantine” na ipinapatupad ngayon sa buong Metro Manila.



“For the community quarantine, we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & Bimb has asthma. A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. Wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.”




error: Content is protected !!