“Malinis nga ang mga kamay n’yo, paano naman ang mga bibig n’yo” Pahayag ng isang netizen para sa mga hoarders!



Nakakalungkot mang isipin ngunit sadyang natural na lamang yata talaga sa ngayon ang mga taong mapagsamantal at walang ibang nais kung hindi ang manlamang sa kanilang kapwa. Sa ngayon ay kinakaharap ng ating bansa ang nakakatakot na sakit na COVID-19.



Hindi ito dapat ipagsawalang-bahala ng publiko dahil sa maraming buhay na rin ang kinuha nito sa iba’t-ibang panig ng mundo at maging sa ating bansa. Dahil sa pagiging laganap ng pandemya na ito ay nagkakaubusan na rin ng mga alcoh0l, sabon, at mga face masks sa maraming mga bilihan at pamilihan sa buong bansa.


Mayroon namang mga tao ang talagang sinasadyang bumili ng maramihan dahil sa nais nilang ibenta ito sa mas mahal na presyo sa mga taong nangangailangan nito. Mas marapat sana kung sapat o tama lamang ang pinapamili ng publiko sa mga panahong ito upang mabigyan rin ng pagkakataon ang ibang mga tao na makabili din ng para sa kanilang personal na pangangailangan o para sa kanilang mahal na pamilya.

Dahil na rin sa “hoarding” o sa pamamakyaw ng maraming mga Pilipino ay talaga namang pumatok ang post na ito mula sa Facebook page na “Bekimon”. Umani ito ng napakaraming komento mula sa publiko.


Narito ang naging caption ng netizen patungkol sa naturang isyu: “Malinis nga ang mga kamay n’yo paano naman ang mga bibig n’yo? Ay na Apo adu nga Pinoy ti ima da lang ti panpanunuten da! Kasano ngay dyay ngiwat da!” na ang ibig sabihin ay “Hay Diyos ko, ang mga Pinoy kamay lang ang iniisip paano naman ang kanilang mga bibig?”

Tunay nga na ang pagiging malinis sa ating kapaligiran at sa ating pangangatawan ang mabisang panglaban sa mga sakit at iba pang karamdaman. At bukod sa pagligo ng maayos, pagsasabon, at pag-aalkohol ay tila nakakaligtaan nating mahalaga rin ang pagsisipilyo ng ating mga ngipin.



Gayundin naman ay napakaimportante din na hind tayo magkalat ng mali at mga hindi totoong balita sa ating kapwa patungkol man sa COVID-19 o sa personal na buhay ng ibang tao. Manatiling malinis sa ating katawan, kumain ng masustansiya at manalangin ng taos-puso ang magiging sandata natin laban sa sakit na ito.




error: Content is protected !!