Raffy Tulfo, viral ngayon dahil sa kaniyang bagong TikTok video!



Isa ka na rin ba sa mga Pilipino ngayon na humaling na humaling at adik na adik sa TikTok? Halos lahat na nga yata ng tao, matanda man o bata ay naaaliw na sa paggamit ng sikat na App na ito. Dahil talaga namang nakakatuwa at nakakaaliw ito. Mainam din itong pangpalipas oras para sa mga taong naiinip o walang magawa sa kanilang libreng oras.



Ngunit hindi lamang pala ito patok sa publiko kundi maging sa maraming mga celebrities ay talaga namang sikat na sikat ang app na ito! Ilan sa mga kilalang personalidad na pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa kanilang mga TikTok videos ay sina Maine Mendoza, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Maymay Entrata, Edward Barber, Andrea Brillantes, John Arcilla at marami pang iba.


Ngunit aakalain ba ninyo na mayroon pang isang sikat na personalidad na talagang kinaaliwan ng publiko dahil sa kaniyang latest na TikTok video? Siya ay walang iba kundi si Raffy Tulfo.

Si Raffy Tulfo ay nakilala ng marami dahil sa siya ay tumutulong sa maraming mga Pilipino o maging sa mga dayuhan na nangangailangan ng kaniyang tulong. Siya ay taong magalang, may dignidad at mayroong isang salita.


Malimit niyang tinutulungan ang mga taong mahihirap, napagsamantalahan, at naapi ng mga taong bastos, gahaman, at walang puso. Si Rafael “Raffy” Teshiba Tulfo ay 59 taong gulang na broadcast journalist na talaga namang hinahangaan dahil sa kaniyang mabuting kalooban at matulungin na puso.



Maaaring napaka-istrikto niyang tingnan, prangka, at matapang ngunit sa kabila pala nito ay mayroon siyang nakakatuwa at palabirong personalidad. Hindi na nakapagtataka na minsan ay magbabanggit siya ng kaniyang mga “jokes” na kinagigiliwan ng kaniyang mga manunuod.

Hindi na rin nakapagtataka na gumawa siya ng nakakatuwang TikTok videos. Maraming mga netizens lalo na ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang talaga namang natutuwa dahil sa kakaibang personalidad na ito ng kanilang idolo.

Ilan pa nga sa kaniyang mga TikTok videos ay kasa-kasama ang kaniyang mga alagang hayop. Ngunit mas maraming nakapansin sa kaniyang latests TikTok video kung sana ipinamalas niya sa lahat ang galing niya sa pagsayaw at pag-indak.



 

View this post on Instagram

 

Mga Idol, let’s do Versace duet challenge on TikTok! Follow me on TikTok @ raffytulfoinaction.

A post shared by Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction) on

Talaga namang umani ito ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.




error: Content is protected !!