Bakasyon ng isang guro sa kaniyang tahanan sa gitna ng community quarantine, kinagiliwan ng publiko!



Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang payuhan ng Presidente Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na manatili na lamang sa kanya-kanyang tahanan at doon na lamang magbakasyon o di kaya naman ay mag-TikTok na lamang. Ayon pa sa pabirong pahayag ng pangulo ay maaari namang mamasyal muna sa loob ng bahay dahil maaaring mayroon pang mga lugar dito na hindi pa natin napupuntahan.



“Pwede kayong magbakasyon diyan lang sa bahay. Avoid… I’m sure may mga bagay-bagay diyan sa bahay na hindi pa ninyo nakita. If I were a student, estudyante man rin ako noon, I would avoid ‘yung mga – — mga bar-bar ano diyan, mga nightclub, ‘yung maraming tao where people congregate tapos nandiyan malapit kayo,” Pahayag ng Pangulo.


“Mag-ubo ‘yung isa, mapasa niya. ‘Pag nakuha mo, nag-ubo ka, pasa mo rin doon sa kabila. Try to avoid people, crowds — ‘yon, sa ano — for your own protection.” Karagdagang pahayag pa ng Pangulo.


Bagamat hindi naninirahan sa Maynila ang guro na ito ay mayroon siyang nakakatuwang mga larawan na talaga namang nag-viral sa social media. Siya ay nakilala bilang si Teacher Joemari Signe Maglinte na mula sa Mabini, Misamis Occidental.



Ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang ginawa niyang bakasyon kamakailan lamang sa kanilang tahanan. Gamit ang kaniyang kulay lila na maleta ay hindi na nga ito napigilan magbakasyon sa kaniyang sariling tahanan.


Ilan sa mga ito ay Bisto Virginia Bar, North Korea, Up Side Down the CR I fa!l 2ware, Center Piece Rotating Table Paris, Fuel Source of the Philippines, Acienda De Banana ne Unggoy Greenland, Monkey jungle safari supercrunch, At Shangri La lobby Venezuela, Waiting for my Flight to Maldives, Kitchen Warrior Arizona, Hotel del Luna Sangri La, Da Vince Painting England, Monalisa Exhibit France, Manila Ocean Park, Piggery Department BMeG Industry, Portland Ireland, Great wall of the house, SM See Side Line, Kalderos de bali na c Indonesia, Baboyan Island, Tangkong Disneyland Waterfalls Parkings at marami pang iba.

Talaga namang kagigiliwan mo ang napakaraming lugar na kaniyang napuntahan nang hindi umaalis sa kaniyang bahay.






error: Content is protected !!