Isang kainan sa Pulilan, Bulacan, hinangaan ng publiko dahil sa pagbibigay nito ng libreng pagkain para sa mga walang pangbayad!



Bumilib at humanga ang publiko isang kainan na ito dahil sa kanilang malasakit sa ibang tao. Kamakailan lamang ay umani ng maraming mga papuri at positibong komento ang kainan na ito na isang karinderya at lugawa sa Pulilan, Bulacan.


Ang naturang establisyemento ay nakilala sa pangalang “Carinderia ni Ka Enteng”. Ayon sa mga viral na larawan ay taong 2017 nang ito ay naitayo at hanggang ngayon ay talaga namang binabalik-balikan pa rin ito ng maraming mga tao.



Hindi lamang dahil sa mura at masarap ang kanilang mga pagkain ngunit dahil mayroong puso ang naturang kainan na ito. Sa katunayan ay naging viral ito dahil sa pagbabahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Vic Esguerra ng ilang mga larawan ng nakakabilib na kainan.

Mapapansin sa larawan na talaga namang napakamura nang tinda nilang lugaw na mayroong itlog. Kung sa ibang mga tindahan ay P8 na ang halaga ng hilaw na itlog, sa kanila naman ay mayroon pang kasamang lugaw na libre para sa walang mga pangbili.


Talaga namang pambihira! Ngunit lingid sa ating kaalaman ay libre din pala nila itong ibinibigay para sa mga walang pangbayad. Tunay nga na sa mga ganitong panahon ay nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa ring mga tao na handang tumulong sa mga taong nangangailangan.


Lalo na sa mga panahon ng kalamidad, sakuna o krisis tulad na lamang ng COVID-19 na hanggang sa mga panahon na ito ay patuloy na nagdadala ng takot at pangamba sa publiko. Huwag sana nating makalimutan na mas patatagin pa ang ating pananampalataya sa Diyos, ang pagkakaroon ng disiplina, patuloy na pagtutulungan at pagmamalasakitan sa kapwa.

Dahil kung hindi tayo magiging disiplinado at responsable at tiyak na mas magdudulot ito ng hindi magandang epekto sa atin. Ito na ang panahon at ang pagkakataon upang maipakita nating mga Pilipino na tayo ay iisa at nagkakaisang lahi.






error: Content is protected !!