Mga nars at doktor nakatanggap ng mga “thank you notes” at mga pagkain mula sa publiko dahil sa matapang nilang pagganap sa kanilang tungkulin para sa ikaliligtas ng marami!



Umantig sa puso ng maraming mga netizens ang pag-aalala ng ilang mga Pilipino sa kalagayan ng ating mga healthcare workers ngayon. Tunay nga na isa sila sa mga taong mayroong malaking tyansa na mahawan o di kaya naman ay manganib ang kanilang mga buhay para lamang maligtas ang mas maraming mga buhay.



Tunay nga na hindi talaga biro ang nararanasan natin sa ngayon. Maging ang mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ay hindi rin nakaligtas sa matinding peligro ng sakit na coronavirus d!sease.


Ngunit sa kabila ng pangamba at takot na ating nararanasan, hindi lamang para sa ating mga sarili ngunit higit sa lahat ay para sa ating pamilya at sa mga anak natin na inosente at musmos pa sa mga panahon na ito ay talaga namang patuloy pa rin ang bawat isa sa pananampalatayang matatapos din ang lahat ng ito ay malalampasan din natin ang yugto na ito ng ating mga buhay.


Bukod sa mga negatibong balita na ating nalalaman ay mayroon pa rin namang mga balitang makapagpapataas pa ng ating mga moral bilang isang Pilipino. Sa katunayan ay labis na hinangaan ng publiko sa ngayon ang maraming mga nars, doktor, at iba pang mga healthcare frontliners na isinasantabi na muna ang kanilang mga sarili para lamang matugunan ang pangangailangang medikal ng ating bayan.


Kung kaya naman bilang pagmamalasakit at isang simpleng pasasalamat, ilang mga Pilipino ang nagbigay ng mga pagkain, at mga liham ng pasasalamat sa ating mga bagong bayani. Ilan sa mga nakatanggap nito ay ang mga healthcare frontliners mula sa Makati Medical Center na nakatanggap ng care packs, libreng pagkain at mga sweet na thank you note mula sa ating mga kababayan.



Tunay nga na sa kabila ng krisis na dinaranas natin sa ngayon ay mas manaig at mas manatili sana ang pagbabayanihan at pagmamalasakitan para sa bawat isa at hindi mangibabaw ang pagiging makasarili at walang disiplina ng marami sa atin.

Dahil wala rin namang ibang magtutulungan sa mga panahon na ito kundi tayo lamang na mga Pilipino upang muling makabangon ang ating bayan sa krisis na ito. Nawa ay patuloy tayong manalangin sa Diyos dahil tiyak na hindi Niya tayo pababayaan o iiwan man lang.






error: Content is protected !!