Pokwang sobrang galante at naghanda ng pagkain para sa mga pulis at sundalo sa mga checkpoint!



Sa mga nagdaang araw ay talaga namang napuno ng pangamba at ng takot ang publiko. Dahil na rin sa paglaganap ng corona v!rus d!sease o mas kilala rin bilang COVID-19.


Marami na itong naapektuhan na mga bansa sa buong mundo at maraming buhay na rin ang kinuha. Talaga namang nakakalungkot isipin na darating tayo sa puntong ito ng ating buhay na hindi natin maaari pang magawa ang mga bagay na nakasanayan nating gawin sa mga susunod pang linggo o buwan.




Maraming mga pamilya ang apektado, maging mga manggagawa at ilang kompanya. Walang nagnais o naghangad man lamang na darating ang araw na hindi muna tayo maaaring lumabas ng ating mga tahanan pangsamantala para na rin sa ating kaligtasan at sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.


Ngunit ang mas nakakalungkot pa rito ay ang pagiging mapagsamantala ng ilan nating mga kababayan na sa mga panahon na dapat sana at nagtutulungan tayo at nagkakaisa. Maraming mga nagsasamantala at nagbebenta ng mga alc0h0l, face masks, at mga medical supplies sa napakataas na halaga.


At gayundin naman ay kabi-kabila rin ang mga pag-aagawan, bultuhang pamimili, at pamamakyaw ng mga pangunahing pangangailangan natin. Buti na lamang at sa kabila ng mga balitang ito ay mayroon pa ring mga magaganda at kanais-nais na balitang naririnig ang mga Pilipino.

Ilan na nga sa mga ito ay ang pakikipagtulungan at ang pagsuporta ng ilan sa ating mga kababayan na mga “frontliners” sa krisis na ito. Isa si Pokwang, isang sikat na aktres, komedyante, at host sa mga nagbigay ng kaniyang suporta sa mga sundalo at pulis ng ating bayan na talaga namang ginagawa ang kanilang mga tungkulin.


Naghanda siya ng ilang mga “sandwich” para sa mga sundalo at pulis na nakatalaga sa ilang mga check points. Ito ay maaring isang maliit at simpleng pamamaraan lamang ngunit malaki din ang naitutulong ng mga ganitong pagsuporta ng bawat isa sa atin.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami ang humanga at bumilib kay Pokwang sa ginawa niyang ito. Nawa ay mas magbigay ito ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino na sa halip na isipin ang sarili nila ay matuto ring magmalasakit sa kanilang mga kapwa sa mga panahong ito na nangangailangan talaga ng ating kooperasyon, disiplina at mataimtim na panalangin.




error: Content is protected !!