Isang Pilipinang nakabase sa Milan pinayuhan ang mga Pilipino na huwag nang tumulad pa sa naging pagkakamali ng Italy!



Italya, isa sa pinakamayamang bansa sa buong mundo. Kilalang-kilala ng mga Pilipino ang European country na ito dahil sa maraming magagandang tanawin at destinasyon dito. Ilan na nga sa mga lugar na ito ay ang Colosseum, Venice Canals, Pompeii, Leaning Tower of Pisa, Lake Como, Amalfi Coast, Florence Duomo Santa Maria del Fiore, Cinque Terre, Vatican City, The Uffizi Gallery, St. Mark’s Basilica, Pantheon, Roman Forum, Milan Duomo, Capri at marami pang iba. Kamakailan lamang ay nabalot ng takot at pangamba ang maraming bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa paglaganap ng nakakatakot na sakit na coronavirus d!sease.



Naging “ground-zero” ng COVID-19 ang Italya at naideklara nga ang “state of emergency” dito sa loob ng anim na buwan. Ang Italya ang kauna-unahang bansa na tinigil ang kanilang pagtanggap ng mga biyahe mula sa China matapos na magpositibo ang dalawang Tsinong turista na naging kauna-unahang kaso rin ng coronavirus.


Sa ngayon ay mayroon nang 1,200 na nasawi dahil sa sakit na ito samantalang ang mga positibong kaso nila ay 17,600 na. nasa 1,300 naman ang kritikal ang kondisyon samantalang 1,500 naman ang nakarekober na. Dahil nga sa naging karanasang ito ng Italya ay marami nang mga bansa ang nangangamba at natatakot para sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

Kung kaya naman marami na sa mga kalapit na bansa at ibang bansa pa sa mundo ang labis na nag-iingat sa banta ng karamdamang ito. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng kaniyang tapat na opinyon ang Pinay na ito na naninirahan sa Milan.


Siya ay si Mickaella Jorgia Bergantino at pinaalalahanan niya ang maraming mga Pilipino na huwag na sanang maging pasaway at sundin na lamang ang nararapat upang hindi na tuluyan pang kumalat ang naturang sakit. Dalangin niya na pakinggan ng mga Pilipino ang kaniyang panawagan upang hindi na mangyari pa ang naging pagkakamali ng Italya.






error: Content is protected !!