Land lady na binigyan ng 1 buwang libreng renta ang kaniyang tenant dahil sa krisis ng Pilipinas ngayon, labis na kinabiliban ng publiko!



Viral ngayon ang isang land lady na ito hindi dahil sa kaniyang masamang ugali o mataas na renta sa kaniyang mga pinapaupahang bahay ngunit dahil sa kabutihang loob nito sa kaniyang mga tenants dahil na rin sa banta ng COVID-19 sa bansa. Dahil sa nasa ilalim ngayon ng “Enhanced Community Quarantine” ang buong isla ng Luzon ay apektado ang halos lahat ng pangkabuhayan ng mga naninirahan dito.


Maging ang mga malalaking kompanya at mga network sa bansa ay hindi rin nakaligtas sa banta ng delikadong sakit at kinailangan na ding magsara pangsamantala. Sa kabila ng mahirap at mabigat na pagsubok na pinagdaraanan ng maraming mga Pilipino sa ngayon ay talaga namang mayroon pa ring iilan na nagbabahagi ng kanilang mga sariling pamamaraan ng pagtulong.



Mayroong isang Pinay chemist na nagmagandang loob at gumawa ng alkohol upang maipamahagi sa mga mas nangangailangan. Habang ilang mga kababayan naman natin ang nagbigay ng ilang mga “thank you notes” at pagkain sa mga healthcare frontliners.

Maging ang aktres na si Pokwang ay naghanda rin ng ilang pagkain para sa mga sundalo at pulis na naitalaga sa mga checkpoint. At isang karagdagan pa nga sa mga mabubuting gawa na ito ay ang isang land lady na hindi na muna pinagbabayad ang kaniyang mga tenant sa isang buwan nilang renta.


Ang netizen na nagbahagi ng kaniyang naging magandang karanasan sa kabila ng krisis ay nakilala bilang si Melinda Lagusad Tagra. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang land lady patungkol sa simpleng pagtulong nito na hindi na muna sila sisingilin ng kanilang isang buwang upa.

Talaga namang malaking bagay ito para sa kanila dahil sa halip na ibayad sa renta ay maaari pa nilang magamit ang kanilang pera sa mga pagkain, o maging sa pangbili nila ng mga bitamina at iba pang pangangailangan. Sana ay mas marami pang mga tao ang tumulong sa iba tulad na lamang ng land lady na ito ni Melinda.





error: Content is protected !!