Mga empleyado ng Pasig City Hall mula regular hanggang contractual makatatanggap ng buo nilang sweldo sa gitna ng ipinapatupad na “enhanced community quarantine”



Nito lamang Martes ay inanunsyo ng alkalde ng Pasig na si Mayor Vico Sotto na ang lahat ng mga empleyado ng munisipyo ng siyudad ng Pasig maging regular man, contractual o job order ay hindi dapat mangamba dahil sa ibibigay pa rin ng kanilang lokal na pamahalaan ang kanilang sweldo nang kumpleto habang ang buong isla ng Luzon ay sumasailalim sa “enhanced community quarantine”. Mas hinigpitan pa ng gobyerno ang kanilang mga ipinatutupad na hakbang upang tuluyan nang masugpo ang coronavirus d!sease 2019 na sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaganap sa mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Narito ang naging pahayag ni Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook post:
“Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo-kahit yung mga Job Order na ‘no work no pay.’ Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga’t maaari sa bahay lang muna kayo.”
Dagdag pa ng alkalde ay mayroon ding hazard pay, OT, at karagdagang benepisyo para sa mga frontliners.
“Sa mga empleyado namang nasa Frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyong maaasahan.”



Tunay nga na hindi madali ang pinagdaraanan ng bawat isa sa ngayon. Maging ang ilang mga bansa pa sa buong mundo ay nakakaranas din ng mga bagay na nararanasan natin sa ngayon.

Mas mabuti nang sundin ng bawat isa ang mga tagubilin ng ating gobyerno kaysa naman bandang huli ay mahirap ang bawat isa dahil sa tuluyan nang paglaganap ng COVID-19. Nakakabahala talaga ang sakit na ito dahil hindi mo namamalayan na ikaw pala ay positibo na sa virus at maaaring naipasa mo na rin sa iba o kaya naman ay sa iyong pamilya ang delikado at nakamamatay na sakit na ito.


Ang pinakamabisang sandata natin sa ngayon ay pagtalima sa mga alituntunin ng pamahalaan sa “enhanced community quarantine”, huwag kalilimutang maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig, gumamit ng alcoh0l kung kinakailangan, maging malinis sa katawan at sa kapaligiran at ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain, huwag na huwag ding kalimutan ang taos-pusong pananalangin sa Diyos.





error: Content is protected !!