Mga pagod na sundalo sa karton na lamang natulog sa gitna ng pagbabantay nila sa lockdown!



Kamakailan lamang ay sumailalim ang buong Metro Manila sa ipinatupad na “community quarantine” ng Pangulong Duterte. Matapos ng ilang araw ay mas naging mahigpit na ang pagpapanukala nito at ang buong isla ng Luzon ay sumailalim na sa “enhanced community quarantine”.


Dahil sa malawakang krisis na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon dahil sa banta ng sakit na coronavirus ay karamihan sa ating mga sundalo, pulis, nars at mga doktor ay hindi na namamahinga para lamang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga Pilipino, medikal man o pagdating sa kapayapaan at kaayusan ng bansa. Ngunit habang ang marami sa atin ay komportable sa ating mga tahanan, at natutulog ng maayos sa ating kaniya-kaniyang mga tahanan matapos manuod ng telebisyon ay abalang-abala naman ang ating mga kapulisan at kasundaluhan maging ang ating mga doktor at nars sa kani-kanilang mga tungkulin.



Marami sa kanila ang halos wala nang pahinga o sapat na tulog ngunit patuloy at patuloy pa rin silang nagsisilbi sa bayan ng walang reklamo. Isang netizen ang nagbahagi sa social media ng isang larawan na talaga namang aantig sa puso ng marami.

Habang si Arjhun Catada ay nagja-jogging sa Magallanes, Makati City ay napansin niyang namamahinga ang mga pulis at sundalong ito sa gilid ng kalsada. Mayroong iilang mga sundalo ang nakapagpahinga sandali at nakatulog sa mga upuang bato samantalang ang iba naman ay natulog na lamang sa mga karton na inilagay nila sa malamig na semento.



Nagpahayag din ng sarili niyang komento si Catada na hindi biro ang pagod ng mga taong ito at ng iba pang mga tao na nagsisilbing frontliners sa krisis na ito ng bansa kung kaya naman mas mabuting sumunod na lamang tayo at maging disiplinadong mga mamamayan. Dapat ay ihinto na natin ang pag-iisip ng sarili lamang natin o di kaya naman ay tayo ang kawawa sa mga ganitong panahon, dahil katulad natin ay nagsasakripisyo din naman ang ibang mga tao para sa ikaaayos ng lahat.




error: Content is protected !!