Lalaki na nag-hoarding ng higit sa 17,700 na mga hand sanitizers, kinumpiska na ng otoridad ang lahat at ibinigay sa Charity!



Marahil ay inakala ng lalaki na ito na makukuha niya ang simpatya ng publiko nang ibahagi niya ang kwento kung paano siya nakabili ng higit sa 17,700 na bilang ng mga hand sanitizers o alcoh0l at kalaunan ay tuluyan na nga siyang nai-ban ng Amazon at eBay. Ngunit ang ibinahaging kwento ni Matt Colvin ay mas nagpagalit pa sa publiko. Dahil dito ay kinumpiska na rin n mga otoridad ang mga produktong pinakyaw niya at dapat sana ay ibebenta niya sa mas mahal na halaga.


Hindi makapaniwala ang publiko na magagawa nina Matt at ng kapatid nitong si Noah Colvin ang pagkakitaan pa ang krisis na kinahaharap ngayon ng buong mundo hindi lamang dahil sa maraming mga tao sa ngayon ang nangangailangan ng mga alcoh0l at medical supplies dahil sa paglaganap ng COVID-19 kung hindi mayroon ding ibang mga tao na nangangailangan pa ng mga supplies na ito dahil sa mga medikal na kadahilanan.



Dahil nga sa naging viral na ang balita na ito ay nakarating na rin ito sa opisina ng Attorney General. Hindi na nga nag-aksaya pa ng oras ang Tennessee Attorney General Herbert H. Slatery upang makumpiska sa tahanan nina Matt ang mga naturang medical supplies.

Kinumpiska nila ang mga supplies na ito at tuluyan nang inalis mula sa tahanan ni Matt. Ipinamahagi na rin ito sa mga charity sa buong Tennessee lalo na sa Kentucky kung saan sila namakyaw ng kaniyang kapatid.


“This is a time where we have to focus on helping our neighbors, not profiting from them. We’re not going to tolerate selfish actions that put the health of Kentuckians at risk, and I’m grateful for Tennessee Attorney General Herbert Slatery’s partnership in bringing an end to this harmful scheme,” pahayag ni Kentucky Attorney General Daniel Cameron.


Ngunit kahit pa naibigay na ni Matt ang lahat lahat, hindi pa rin siya nakakaligtas sa karampatang parusa para sa kaniyang pagiging makasarili at mapagsamantala sa ibang tao lalo na sa panahon ng krisis.