Mayor Vico Sotto, labis na hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang mabilisang aksyon para sa mga kababayan!



Si Victor María Regis “Vico” Nubla Sotto ay 30 taong gulang na pulitiko at kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde ng Pasig. Taong 2016 nang una siyang sumabak sa pulitika. Ang kaniyang mga magulang ay ang batikang host at komedyante na si Vic Sotto at ang mahusay na aktres na si Coney Reyes. Taong 2011 nang magtapos siya sa Ateneo de Manila University.


Kalaunan ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang karera sa pulitika. Nagtapos siya ng kaniyang post-graduate degree sa Ateneo School of Government noong 2018.



Siya ay hinangaan ng publiko hindi lamang sa kaniyang pagiging makisig at magandang lalaki kung hindi dahil sa nakakamanghang dedikasyon nito upang mapaglingkuran pa lalo ang kaniyang nasasakupan. Kamakailan nga lamang kasabay ng pagputok ng sakit na coronavirus sa ating bansa ay agaran siyang tumugon sa kaniyang mga kababayan.

At ngayon nga na mas pinalawig pa ng “enhanced community quarantine” ng pamahalaan, naglabas na siya ng agarang aksyon para sa mga taong nasasakupan niya na isang buwan mawawalan ng trabaho. Narito ang kaniyang naging pahayag sa kaniyang social media account:


“Sa kasalukuyan ay inihahanda na namin ang Purchase Request para sa 400,000 food packs. Hindi magiging madali ang logistics nito. Wala na po tayong panahon para mag-organisa katulad nung pamaskong handog. Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaan pambarangay para sa distribusyon. Tulong po ito ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan, lalo na’t maraming di nakakapagtrabaho ngayong community quarantine. Magtulungan po tayo at sumunod sa quarantine para mas mabilis din nating malagpasan ito.” Pahayag ni Mayor Vico.


Nakasaad din sa kaniyang post na ang maximum na budget na inilaan sa bawat pack ng pagkain na kanilang ipamamahagi ay nagkakahalaga ng P397 ang kabuuang budget nila para rito ay P158 milyon at inaasahang maipapamahagi na ngayong linggo sa kaniyang nasasakupan. Talaga namang hindi siya puro salita o yabang lamang, dahil sa mayroon talaga siyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong kaniyang nasasakupan. Mapapa-sana all ka na lang talaga!




error: Content is protected !!