Andi Eigenmann, simple at masaya ang buhay kapiling ang kaniyang mga anak at nobyong si Philmar Alipayo



Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann ay a29 na taong gulang na aktres at modelo. Siya ang anak ng mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang namayapang Mark Gil.



Sa ngayon ay mayroon na siyang dalawang mga anak. Sina Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenman na isinilang niya noong Nobyembre 23, 2011 at si Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo na isinilang naman noong Hulyo 23, 2019.


Masayang masaya at kuntento na siya ngayon sa simpleng pamumuhay kasama ang kaniyang nobyong si Philmar Alipayo. Siya ay isang kilala at mahusay na surfer. Sa ngayon ay hindi na gumagawa pa ng mga pelikula o programa sa telebisyon si Andi ngunit mayroon naman siyang YouTube channel kung saan niya ipinapasilip sa kaniyang mga tagahanga at sa publiko ang simple niyang pamumuhay. Ang kaniyang YouTube Channel ay pinangalanan niyang Happy Islander.


Tampok dito ang mga simpleng kasiyahan ni Andi at ng kaniyang maliit na pamilya. Ilan sa mga simpleng bagay na kanilang ginagawa sa isla ay ang pagsusurfing, pag-akyat sa puno ng niyog para sa bunga nito, humigop ng sariwang sabaw ng buko, pamimitas ng bunga ng puno ng talisay, at pagkuha ng mga ilang piraso ng shellfish sa dalampasigan at marami pang iba.


Talaga namang napakasarap pagmasdan ng pamilyang ito na simple lamang ang pamumuhay at talaga namang makikita na napakakomportable nila sa kanilang mga ginagawa at mararamdaman mo rin na punong-puno ng kagalakan ang kanilang mga puso. Hindi maipagkakaila na ito ang pangarap na buhay ng marami sa atin.



“We had so much fun in surfing in baby waves today. I’m so glad that Philmar joined us. Now we are having our merienda. Guess what we are having—coconut!” Pahayag ni Andi sa kaniyang vlog. Sino ba naman ang hindi mawiwili sa napakagandang tanawin at napasariwang mga pagkain sa lugar na ito? Bukod pa rito ay kasama mo pa ang buo mong pamilya, talaga namang wala ka nang mahihiling pa!




error: Content is protected !!