IBUPROFEN iwasan muna kung mayroong sintomas ng COVID-19 ayon sa mga eksperto!



Kamakailan lamang ay nabahala ang publiko dahil sa mga balitang kumakalat patungkol sa hindi magandang epekto ng gamot na ibuprofen sa mga taong mayroon nang sintomas ng COVID-19. Binigyang babala ng World Health Organization (WHO) ang publiko lalo na yung mga taong nagpositibo na sa naturang sakit na iwasang uminom ng gamot na ibuprofen dahil ayon sa mga French officials ay magiging sanhi lamang ito ng lalo pang paglala ng sakit na COVID-19.



Ito ay ipinahayag mismo ni French Minister Veran dahil sa naging pag-aaral ng “The Lancet” ang naturang inflammatory drÜg ay mayroong halong kemikal na maaari pang magpalala lalo ng mga sintomas ng COVID-19. Nagpahayag din si WHO Spokesman Christian Lindmeier na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin itong tinitingnan ng UN health agency upang mas mabigyan pa ng impormasyon ang publiko ukol dito.


“In the meantime, we recommend using rather paracetamol, and do not use ibuprofen as a self-medication. That’s important. If ibuprofen had been prescribed by the healthcare professionals, then, of course, that’s up to them. In the case of fever, take paracetamol.”” Pahayag ni Lindmeier.


Pinayuhan ni French minister ang mga pasyente na napainom o nakainom ng kahit anong anti-inflammatory drÜgs na dapat ay humingi sila ng payo sa kanilang mga doctor para alam nila ang susunod nilang gagawin. Kung iinom naman ng paracetamol ay dapat itong inumin ng nakabase sa dosage na inirekomenda ng doktor dahil maaaring maging dahilan pa ito ng sakit sa baga kapag napasobra ang inom.



Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon nang tinatayang 190,000 na katao ang mayroong COVID-19 sa buong mundo at mahigit nasa 7,800 na rin ang nasawi dahil dito. Kung kaya naman sa mga panahon ngayon ay mas mabuti nang maging matalino sa mga bagay na ating ginagawa.



Ngunit higit pa rito ay huwag na huwag din nating kalimutan na magmalasakitan sa isa’t-isa sa panahon ng krisis na ito na lahat tayo ay apektado at maaaring manganib. Kung tayo ay magkakaisa, tiyak na mapagtatagumpayan din nating ang mahirap na pagsubok na ito.




error: Content is protected !!