Isang single na dalaga muntik nang magkaroon ng nobyo dahil sa pag-angkas niya sa hindi kilalang lalaki!



Hanggang sa mga araw na ito ay ramdam ang takot at pangamba na dulot ng sakit na coronavirus. Talaga namang traydor ang sakit na ito at kahit pa malusog ang iyong pangangatawan at maaari kang magpositibo rito.


Ngunit mas grabe lamang talaga ang epekto nito para sa mga bata, matatanda, may karamdaman o iyong mga taong mayroong mahinang “immune system”. Kung kaya naman nitong Marso 15, 2020 ay ipinanukala na ng pamahalaan ang “enhanced community quarantine” sa buong isla ng Luzon upang tuluyan nang mapuksa at matigil na ang pagkalat pa ng naturang sakit.




Mahigpit na ipinagbabawal na ang paglabas ng tahanan, mga pampublikong transportasyon, “mass gatherings”, at mahigpit na ipinapatupad ang “social distancing”. Dahil dito ay nahirapan na ang ilang mga Pilipino na makauwi ng kanilang mga tahanan.


Kung kaya naman nakiusap at nagmakaawa na lamang ang isang netizen na ito sa isang lalaking nakamotor na hindi niya kilala upang siya ay maiangkas at nang makauwi na siya sa kanilang tahanan. Siya ay nakilala bilang si Ritch Dagos na pauwi noon ng Cavite.


Buti na lamang ay naawa sa kaniya ang isang rider at pumayag itong ihatid siya sa kanilang bahay ngunit hinarang sila ng mga pulis sa kalagitnaan ng kanilang biyahe. Nang sabihin ng pulis kung ang lalaki ay isa bang Angkas rider agad nitong sinabi na sinundo lamang niya ang kaniyang nobya dahil sa wala na itong masakyan pauwi.

Talaga namang umani ng sari-saring mga komento at reaksyon ang post na ito ng dalaga na sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 177,000 na reaksyon, 21,000 na mga komento, at 71,000 na mga shares. Tunay nga na hindi biro ang mga sakripisyo nating mga Pilipino sa mga panahong ito.



Ngunit wala tayong ibang maitutulong sa ngayon kung hindi ang sumunod at maging disiplinadong mga mamamayan ng bansa kaysa magdulot pa ng mga reklamo at karagdagang problema na kalaunan ay sa atin at sa ating mga pamilya rin naman babalik. Kung kaya naman patuloy nating sundin ang mga paalala ng otoridad patungkol sa pananatili sa ating mga tahanan, at ang palaging pagsunod sa “social distancing”.

Huwag na huwag rin kalilimutang maghugas mabuti ng mga kamay at mag-alcoh0l kung kinakailangan.






error: Content is protected !!