Categories: Health

Magandang balita: Isang Japanese flu drÜg epektibo sa paggamot ng coronavirus ayon sa isang Chinese clinical trial!

Isang magandang balita ang nagbigay pag-asa sa buong mundo. Ito ay matapos matuklasan ng mga Chinese medical authorities na ang Japanese flu drÜg na “favipiravir” o mas kilala sa tawag na Avigan ay naging epektibo sa paggamot ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Ang naturang gamot ay nakatutulong rin sa mga pasyenteng mayroong naturang karamdaman kung saan mas nagiging maayos ang kondisyon ng kanilang mga baga dahil sa nabanggit na gamot. Ang sinasabing clinical trial ay nilahukan ng 340 na mga pasyente, na-develop at naaprubahan na rin sa paggamot ng “flu”.

Ito rin ay kinokonsidera nang “high degree of safety” ayon na rin sa Science and Technology Ministry Official ng Tsina na si Zhang Xinmin. Nagkaroon ng improvement ang mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19 nang halos 91% dahil sa gamot na “favipiravir” kumpara sa 62% na improvement ng mga pasyenteng mayroong COVID-19 na hindi sumailalim sa clinical trial.

Bukod sa naging pag-aaral na ito ng mga Chinese ay mayroon ding isinasagawang pag-aaral ang Japanese health ministry ngunit hindi na ito magagamot pa ang mga pasyenteng malala na ang kondisyon dahil sa mapanganib na sakit na ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mabuti ang gamot na ito na maaaring maging pag-asa ng buong mundo sa nakakatakot at mapanganib na sakit na ito na hanggang sa mga oras na ito ay nagsisilbi pa ring banta hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi sa napakarami pang mga bansa at tao sa buong mundo.

Sa ngayon ay wala pang nadidiskubreng lunas o antiviral drÜg pangontra sa coronavirus ngunit sa maliit na pag-asa na ito ay tiyak na mas nabuhayan at nabigyan pa ng pagkakataong umasa ang marami na darating din ang araw na matatapos na ang mga sakripisyo at paghihirap natin na ito. Kung kaya naman magsama-sama at magtulong-tulong tayo upang maisalba ang ating bayan at ang buong mundo sa tulong at biyaya ng Diyos.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago