Nakakabilib: Isang ginang nagbebenta ng tuyong mga dahon online na binibili ng kaniyang mga customers!



Sa panahon natin ngayon, marami nang mga bagay ang nagpapagaan ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Marami nang mga bagay na naimbento upang labis na makatulong sa publiko. Mas nagiging komportable tayo sa ating buhay sa tulong ng mga bagay na ito. Isa na marahil sa mga malaking pagbabago sa ating pamumuhay ang pagtangkilik natin sa online selling.


Kung dati rati ay kinakailangan pa nating bumiyahe o magbayad ng pamasahe para lamang makarating sa mga pamilihan ngayon ay isang click na lamang at ihahatid na sa iyong tahanan ang mga produktong iyong nabili. Hindi na rin natin kailangang pang maglaan ng maraming oras upang mamili.



Talaga namang napakalaking tulong nito para sa ating mga customer at maging sa mga nagnenegosyo mismo ng online selling. Ngunit kung ang ilan ay kinakailangan pang maglabas ng malaking halaga para sa kanilang kapital, ang isang ginang na ito ay walang inilabas na kapital!


Ang online seller na ito ay nakilala bilang si Kerwin Anne Reyes. Ayon sa ilang mga ulat patungkol sa kaniya ay nagbebenta siya ng tuyong mga dahon ng Talisay!

Kwento pa niya, hindi naman niya talaga pinapansin ang mga dahon na ito noon pa man dahil sa akala niya ay wala itong halaga. Hanggang isang araw ay mayroong taong nagpaalam sa kaniya kung maaari ba itong pumulot ng mga dahon ng Talisay sa kanilang bakuran.



Kahit pa nagtataka kung saan ito gagamitin ng tao na iyon ay agad din naman siyang pumayag. Kalaunan ay natuklasan niyang ginagamit pala ang mga tuyong dahon ng Talisay o sunbaked Talisay leaves para sa pagpapalaki ng mga betta fish o tinatawag din na Siamese fighting fish.


Ito ay mabibili sa halagang P3,000 hanggang P15,000. Mayroon itong makukulay at maliliit na mga isda na mayroong mahabang buntot.

Nakakatulong din sa pagkokondisyon ng mga betta fish ang mga dahon na ito. Dahil sa mga tuyong dahon na ito ay madaliang makakapag-breed ng mga nasabing isda.


Kapag sila din ay kumain ng dahong ito ay mayroong malaking epekto na maibibigay sa pagpapalit ng kulay ng mga betta fish. Hindi na nakapagtataka na sa halagang P49 kada sampung piraso ng mga ito ay marami ang tumatangkilik sa kaniyang paninda.




error: Content is protected !!