Ellen Adarna, nagsisisi nga ba dahil nakarelasyon niya ang aktor ni si John Lloyd Cruz?



Pagdating sa pag-ibig, marami sa atin ang tiyak na sasang-ayon na marami tayong mga bagay na pinagsisisihan patungkol sa dati nating mga nakarelasyon. Tunay nga na hindi ito maiiwasan lalo na kung hindi rin naman nagtapos ang inyong relasyon sa magandang pag-uusap.



Isa na nga marahil sa mga taong nakaranas ng ganitong sitwasyon ang aktres at modelo na si Ellen Adarna. Noong ika-18 ng Marso ay napansin ng publiko ang naging Instagram post ni Ellen. Tila mayroong nilalaman at mayroong nais iparating ang naging pahayag niya patungkol sa lumalaganap ngayon na coronavirus sa ating bansa at sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Ayon sa kaniyang naging post na nagsasabing, “Hi Guys, to make it clear, I’m not COVID-19 positive. I’m staying here with Vito Selma for some sun, clean air, and an open space to relax during this time. I hope everyone stays safe and does their part.”


Maraming lugar ngayon sa ating bansa ang sumasailalim sa enhanced community quarantine na ipinanukala ng ating Pangulong Duterte upang tuluyan nang mapigilan ang paglaganap ng nakakatakot na sakit na COVID-19. Matapos nito ay nagpost muli si Ellen patungkol sa tila naging karanasan niya sa dating kinakasama na si John Lloyd Cruz.

Ayon sa post ni Ellen, “Stay at home for 1 month di mo kaya? Nag-stay ka nga sa maling tao for how many years kinaya mo.” Tila mayroon ngang hindi magandang pagtatapos ang naging relasyon ng dating celebrity couple. Maalala din na nagpost ng ilang mga larawan ang aktres kasama ang isang non-showbiz guy sa naging pamamasyal nila sa Madrid kasama ang ilan pa niyang mga kaibigan.



Taong 2017 nang maging maugong ang pagkakamabutihan nina John Lloyd at Ellen at makalipas ang isang taon ay napabalitang nagsilang na si Ellen ng kanilang anak na lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto. Hindi naman naging maganda ang kanilang paghihiwalay ay nagsisilbi pa rin silang responsable at mapagmahal na mga magulang sa kanilang anak.




error: Content is protected !!