Isang Pilipinong janitor sa Italya, bayaning maituturing dahil sa pagtatrabaho pa rin nito sa kabila ng lockdown!



Maraming mga Pilipino sa ngayon ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang mas matulungan at mas masuportahan pa ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Nagsasakripisyo sila para lamang kumita ng pera at mapadala ito sa kanilang mga mahal sa buhay.



Hindi na nila alintana ang hirap at mga pagbabago na kanilang kinakaharap sa bagong bansang kanilang patutunguhan. Kung kaya naman saludo ang maraming mga Pilipino sa ating mga kababayan na Overseas Filipino Workers (OFW).


Tulad na lamang ng isang Pinoy sa Italya na hindi lamang masipag at nakakabilib na OFW dahil sa itinuturing din siyang bayani sa ngayon dahil sa kaniyang dedikasyon sa kaniyang trabaho. Siya ay nakilala bilang si Lester Ramones na mahigit labing-isang taon nang naninirahan sa Italya bilang isang OFW.

Nagsimula siyang magtrabaho bilang isang fast food crew nang ilang taon at matapos nito ay napagdesisyunan na niyang lumipat ng trabaho bilang isang janitor sa isang malaking railway station sa Bologna Centrale railway station.


Ayon sa kaniya ay nasa dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho rito at hindi siya makapaniwalang ituturing siyang bayani ng mga tao roon dahil lamang sa dedikasyon na kaniyang ipinakita sa kabila ng nakakatakot na banta ng sakit na COVID-19 na hanggang sa ngayon ay lumalaganap pa roon.



Naitampok siya sa isang news site doon at isang Italyanong reporter ang nag-interview sa kaniya patungkol sa ginagawa niyang pag-disinfect ng railway station kahit pa nga malaki ang tyansang mahawa rin siya ng nakakatakot na sakit. Kahit pa mayroong takot at pangamba na nararamdaman si Lester ay hindi pa rin siya nagdadalawang-isip na gampanan ang kaniyang trabaho. Ibinahagi rin niya na sa Milan, kung saan siya nakatira unang tumama ang naturang karamdaman. Mayroon ding halos isang daan na kumpirmadong kaso nito sa Bologna.

“Hindi naman ho mahirap ang trabaho ko, ngayon lang dahil sina-sanitize namin ang lahat ng mga hawakan ng tao. Nag-spray kami ng mga disinfectant. Para sa akin, ngayong walang mga tao o pasahero, mas safe kami. Pero hindi namin alam ang mangyayari kapag nagbalikan ang maraming tao dahil magbubukas ang train station sa April 3,” Pahayag ni Lester.




error: Content is protected !!