Spider-man, namataang namamalengke sa gitna ng enhanced community quarantine!



Kamakailan lamang ay ipinatupad na sa maraming mga lugar sa Pilipinas ang enhanced community quarantine para sa kapakanan ng publiko at nang tuluyan nang mapigilan ang paglaganap ng sakit na COVID-19. Mahigpit na ring pinapatupad sa ngayon ang “one person per household” na paglabas ng kanilang mga tahanan para sa pagbili ng kanilang pagkain at gamot.



Sa paraang ito ay maaaring mas lumiit pa ang tyansa na mas lumaganap pa ang naturang sakit. Naging matinding banta sa kapakanan ng publiko ang corona virus (COVID-19) dahil sa maaari itong maipasa sa pamamagitan lamang ng pag-ubo o pagbahing.

Dahil nga dito ay labis na pinag-iingat ang lahat at pinapayuhan na magsuot ng mask at ng gloves, at ang pagsunod sa social distancing. Isang netizen ang kinaaliwan ngayon sa social media dahil sa pagtalima nito sa naturang panukala ng kinauukulan.


Siya ay si Jon Gani na naninirahan sa Maynila. Hindi lamang siya nagsuot ng mask dahil sa tinodo niya na rin ito at nag-spider costume na rin siya.

Ibinahagi ng kaniyang misis na si Jean Gani ang nakakatuwang larawan ng asawa kung saan ito ay namalengke suot ang naturang costume na mula ulo hanggang paa ay talaga namang balot na balot. Mayroon din itong “quarantine pass” na nakasabit sa kaniyang leeg at isang orange na ecobag.


Talaga namang pumatok sa maraming mga netizens ang kanilang post na mayroon nang higit sa 51,000 shares at 64,000 na mga reaksyon. Narito ang naging caption sa viral na post, ““Lakas talaga ng trip ng asawa ko namalengke ng naka Spider-Man kaya pala sabi niya abangan ko siya pag uwe nya.”



Lingid sa kaalaman ng lahat, si Jon pala ay isang toy collector at Spider-Man fanatic. Makikita pa nga sa kanyang Facebook account na mula sa pag-propose sa kanyang misis, pag-iisang dibdib, pagbubuntis ng kanyang asawa at maging sa paglabas ng kanilang anak ay nakasuot siya ng spider-man costume.

Makikita din sa kanyang youtube channel (Jon Gani) ang video ng kanyang mga koleksyon. Talaga namang nakakamangha na sa panahon ng ganitong krisis ay nakakangiti pa rin ang marami sa atin dahil sa simple ngunit kakaibang hilig ng ating mga kababayan.




error: Content is protected !!