Categories: AmazingTravel

Venice canal, mayroon nang ilang mga isda dahil sa sobrang linaw ng tubig sa gitna ng lockdown!

Marami sa atin ang natatakot at nangangamba sa mga panahong ito dahil sa paglaganap ng nakakatakot na sakit na coronavirus na nagdulot na nang kapahamakan at pagkasawi ng buhay ng malaking bilang ng mga tao sa buong mundo. Maaaring simpleng bagay o biro lamang ito para sa iilan ngunit hindi na dapat pa sila maging komportable dahil sa dumaraming bilang ng mga taong apektado ng sakit na ito.


Sa kabila ng mga takot at pangamba ay talaga namang patuloy at patuloy pa ring nagpapakatatag ang maraming mga Pilipino at hindi pa rin nila nakakalimutang manalangin at humingi ng tulong sa Diyos lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng publiko ang balita patungkol sa naging magandang epekto ng pandemic na ito para sa ating mundo. Ayon nga sa ilang mga netizens, ang mundo natin sa ngayon ay tila namamahinga at naghihilom na mula sa mga pagiging pabaya at abusado ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Dahil sa paglaganap ng coronavirus ay mas pinaiigting pa ang community quarantine na nagiging daan upang mabawasan ang polusyon, at maging ang krimen sa iba’t-ibang lugar. Maging ang dating malabong tubig sa Venice Canal ay naging malinis at malinaw na. Muli na nga ring nakakakita rito ng mga isda at mga Swan.


Ilan sa mga senyales na nagiging malinis na muli ang naturang lugar na tila napabayaan na noon sa kabila ng maraming mga turistang nagtutungo rito. Tunay nga na nakakabilib at nakakahanga na sa kabila ng ating pinagdaraanan sa ngayon ay talaga namang mayroon pa ring mga mabuting bagay na nangyayari sa ating lahat, lalong-lalo na sa ating kapaligiran.


Nawa ay magsilbing magandang karanasan ito para sa maraming mga tao sa ngayon na dati ay labis na abala sa kani-kanilang mga trabaho, ngunit ngayon ay mayroon nang sapat at maraming oras para sa kanilang pamilya. Patuloy sana tayong manalangin para sa ikabubuti ng lahat.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago