Doug Kramer, nagbahagi ng larawan sa social media ng napakaliwanag at walang polusyon na Maynila!



Sakripisyo, paghihirap, kalungkutan, pagkatakot at puno ng pangamba, yan ang ilan lamang sa mga salitang nararanasan ng marami sa atin sa ngayon. Sa kabila ng hindi normal nating pamumuhay sa ngayon dahil sa hindi tayo sanay na nasa loob lamang ng ating mga tahanan, ay tila mayroon pa rin namang mabuting naidudulot ang community quarantine na ipinapatupad sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.



Ito ay ipinanukala ng ating Pangulo upang maiwasan na ang labis na pagkalat ng naturang virus sa marami pang mga Pilipino. Tunay nga na sa ibang mga bansa ay patuloy pa ring lumolobo ang bilang ng mga nasasawi dahil sa nakakatakot na karamdaman.


Ngunit sa kabila ng krisis na ito ay marami pa ring ma Pilipino ang nagtutulong-tulong para sa kapakanan ng isa’t-isa. Mas marami na ring oras ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Ang mga abala at masisipag na mga manggagawa ay nagkaroon na rin ng kapahingahan. Ilang mga malalaking kompanya at pabrika na rin ang nagsara upang makiisa sa community quarantine.

Maging ang pangpublikong transportasyon ay suspendido na rin. Dahil sa mga ito, ang ating Inang Kalikasan ay tila namamahinga, nagpapagaling mula sa ating pang-aabuso sa kaniya na marahil ay hindi natin napapansin ngunit ang bawat ginagawa natin ay mayroong napakalaking epekto, masamang epekto sa ating kapaligiran.


Narito ang isang pagpapatunay mula sa sikat na personalidad at retiradong basketball player na si Doug Kramer patungkol sa magandang naidudulot ng krisis na ito sa ating kapaligiran.



“There’s a lot of unfortunate circumstances happening around our world, and also in our country. But here’s a little good news. We’ve been here almost a year now. And it’s a rarity to get consecutive days of a clear and unpolluted view.

I would always wonder why our kids would easily get coughs and allergies when we were still living in the Metro. I hope we can take care of our home better after this pandemic. We only have one. God bless and may God heal our country and people!” Pahayag ni Doug.