Isang doktor nasawi dahil sa nagsinungaling ang kaniyang pasyente tungkol sa kaniyang naging travel history!



Nakakalungkot man ngunit batid naman ng marami sa atin na ang ating bansa ay hindi handa sa ganitong klase ng krisis-ang mabilis na paglaganap ng COVID-19. Malaki ang kakulangan natin sa mga hospital beds, kakaunti lamang ang bilang ng ating mga medical workers, at ang sistemang pangkalusugan sa ating bansa ay talaga namang hindi maayos hindi katulad ng ibang mga bansa.



Tunay nga na hindi natin makakaya ang gastusin na ating kahaharapin lalo na kung tayo ay magpositibo sa nakakatakot na sakit. Ang mas masakit pa rito ay marami rin sa atin ang mas pipiiin na lamang na magsinungaling at unahin ang kapakanan ng ating mga sarili kaysa gawin ang nararapat.

Tulad na lamang nang nangyari sa isang doktor dahil sa pagsisinungaling at pagiging makasarili ng isa sa kaniyang mga naging pasyente. Tuluyan na ngang binawian ng buhay ang isang 34 na taong gulang na doktor sa Philippine Heart Center dahil sa COVID-19.


Ito ang naging resulta ng pagsisinungaling ng kaniyang pasyente sa kaniya. Siya ay si Dr. Israel Bactol na mula sa Peñaranda, Nueva Ecija.


Siya ay nakapagtapos ang naabot ang kaniyang pangarap na maging isang doktor dahil sa kaniyang pagsusumikap sa pag-aaral at sa kaniyang mga natatanggap na iskolarsyip. Kalaunan ay naging breadwinner na siya ng kaniyang pamilya.

Marami sa kaniyang mga kaibigan ang nagsasabing isa siya sa pinakamabait na tao na kanilang nakilala kung kaya naman talagang napakahirap tanggapin na hanggang dito na lamang ang kaniyang buhay. Noong Pebrero na wala pang masyadong kaso ng COVID-19 sa ating bansa ay mayroong isang pasyenteng nagpakonsulta sa kaniya, hindi nito inamin ang tungkol sa kaniyang travel history kung kaya naman inakala ng doktor na trangkaso lamang ang nararamdaman nito.



Kung kaya naman hindi na siya nagsuot pa o naghanda ng mga kagamitang naangkop upang tingnan at obserbahan ang isang taong mayroong COVID-19. Huli na nang umamin ang pasyenteng siya ay nanggaling sa China. Nasawi ang pasyente at makalipas ang ilang mga araw ay nasawi na rin ang doktor.




error: Content is protected !!