Mag-asawang Sarah Geronimo at mister nito na si Matteo Guidicelli, kinakiligan ng publiko nang magduet sila sa digital concert ng ABS-CBN!



Isa sa pinakakikiligang tambalan sa show business ang newlyweds na sina Sarah Geronimo at mister nito na si Matteo Guidicelli. Talaga namang kinilig ang maraming mga Pilipino nang sila ay mag-duet sa ginanap na digital concert ng ABS-CBN nitong Linggo lamang, Marso 22.



Ilan lamang sila sa mga sikat na celebrity na kabilang sa ginanap na “Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert” ng Kapamilya network. “You Are The Reason” ang kinanta ng bagong kasal na talaga namang nagpakilig sa marami lalo na sa kanilang mga AssMatt fans. Hindi ito madalas mangyari kung kaya naman ikinatuwa ng publiko ang performance ng dalawa. Pagkatapos nilang umawit ay nag-high five ang mag-asawa.


Ang event na ito ng Kapamilya network ay “three-hour fundraising concert” para sa maraming mga Pilipino na nangangailangan ng tulong sa mga panahong ito. Nauna na ngang nag-abot ng tulong ang Lopez Group at nagdonate sila ng P100 million.


Para sa mga taong nais pang magbigay ng donasyon at tulong ay maaari silang magdonate sa mga sumusunod: ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.-Sagip Kapamilya bank accounts: BPI peso account 3051-11-55-88, Metrobank peso account 636-3-636-08808-1, BDO peso account 0039301-14199, Philippine National Bank peso account 1263-7000-4128, at sa BDO dollar account 1039300-81622.
Tunay nga na mahirap at nakakatakot ang sitwasyon natin sa ngayon dahil sa hindi natin alam kung hanggang kailan matatapos ang krisis na ito. Ngunit sa pagtutulungan at pagkakaisa nating mga Pilipino ay mapagtatagumpayan din natin ang ating kinakaharap sa ngayon.



Nakakalungkot na ilang mga araw na rin natin hindi nagagawa ang mga bagay na nakasanayan natin, o hindi nakakain at naiinom ang mga paborito nating pagkain, ngunit mas mainam nang magsakripisyo tayo ng kaunti upang tuluyan na nating masugpo ang kalaban natin na hindi natin nakikita. Mas mabuti nang mahirapan tayo ng kaunti sa ngayon kaysa naman tuluyan na itong kumalat at mas maapektuhan ang mga mahal natin sa buhay, lalo na ang mga bata, ang mga matatanda, at ang mga taong may karamdaman. May Awa ang Diyos, at tayong mga tao, tayong mga Pilipino, nasa atin ang gawa!




error: Content is protected !!