Namayapang doktor dahil sa COVID-19, mayroong huling mensahe para sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na umantig sa puso ng publiko!



Tunay nga na hindi biro ang panganib na kinakaharap ng maraming mga Pilipino sa mga panahong ito. Ngunit higit na mahirap ang ganitong sitwasyon para sa mga healthcare frontliners sa ating bansa.


Dahil tulad natin ay mayroon din silang mga pamilya at mahal sa buhay na gustong makasama ngunit mas pinipili nilang tugunan ang kanilang tungkulin sa bayan at sa kapwa nila mga Pilipino. Talaga namang bayani silang maituturing.



Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng publiko dahil sa inilabas na mensahe ni Bishop Pablo Virgilio David ng Roman Catholic Diocese of Kalookan. Ibinahagi niya sa publiko ang iniwang mensahe ng doktor na si Dr. Greg Macasaet na isang anesthesiologist bago ito tuluyang bawian ng buhay dahil sa COVID-19.


Talaga namang nalungkot ang marami dahil tila batid na rin ng doktor ang kahihinatnan niya dahil sa nakakatakot na karamdaman. Ayon sa naging pahayag ni Bishop Pablo, si Greg at ang kaniyang misis na isa ring anesthesiologist ay nahawa ng naturang karamdaman.

Nahawa sila dahil sa pag-aasikaso nila ng kanilang mga pasyente. Nagpositibo ang mag-asawang doktor ngunit mas malala ang kondisyon ni Dr. Greg.


Nanatiling matatag si Dr. Greg at patuloy na nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan at kamag-anak sa pamamagitan ng kaniyang cellphone. Narito ang kaniyang nakakaantig na huling mensahe para sa kaniyang mga kakilala, kaibigan at kamag-anak.

“Good evening, my beloved brethren! The turn of events is just no longer going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over, difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body! They will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon! If they intubate me and place me on ventilator, then the game is almost over! If Ateng (referring to his wife) survives, then my wish for her and Raymond (his son who is with autism) for a long and happy life will bear fruition! Raymond however needs financial and emotional care for the rest of his life! Something I may no longer be able to fulfill! It Is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”




Talaga namang nakapanghihinayang ngunit patuloy at patuloy pa ring mananalangin ang publiko na matapos na ang krisis na ito at wala nang bawian pa ng buhay dahil sa COVID-19 na ito.




error: Content is protected !!