Netizens, labis na nabigla sa naging hospital bill ng isang COVID-19 PUI na ito!



Ang ating bansa at maging ang ilang mga bansa pa sa buong mundo ay nakakaranas ng hindi magandang pangyayari sa kasalukuyan. Dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa ating bayan ay kinakailangan nang magpanukala ang ating pamahalaan ng enhanced community quarantine sa maraming mga siyudad upang hindi na kumalat pa ang nakakatakot na sakit.



Marami sa atin ang tila hindi pa nababahala at nangangamba sa mga pangyayari na ito ngunit patuloy at patuloy pa ring inaabisuhan ng ating pamahalaan ang publiko na gawin ang nararapat upang tuluyan na nating mapagtatagumpayan ang krisis na ito. Sa gitna ng mahirap nating sitwasyon sa ngayon ay tila mas nadaragdagan pa ang ating problema dahil sa hindi magandang sistema ng ating mga ospital.

Kamakailan lamang ay ikinagulat ng maraming mga netizens ang naging karanasan na ito ng isang COVID-19 PUI na na-admit sa isang ospital nang halos 5 araw at ang kinakailangang bayaran ng kaniyang pamilya ay umabot ng higit sa P90,000! Ang mas nakakapagtaka pa rito ay tila mayroon pang mga bayarin na hindi naman na dapat pang kasama sa babayaran ng naturang pamilya.


Ayon sa ibinahaging post ng isang concerned netizen na nakilala sa kaniyang Twitter account na @pukindness. Ayon sa kaniyang viral post, ang naturang hospital bill ay sa ama ng kaniyang kaibigan na isang COVID-19 PUI na kinailangang i-admit University of The East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center.


P90,223.63 ang halaga na kailangang bayaran sa limang araw na pagkaka-admit ng ama ng kaniyang kaibigan. Maraming mga netizens din ang hindi napigilang magkomento patungkol sa pananamantalang ito ng ilang mga ospital dahil sa pandemic na sakit.


Talaga namang nakakalungkot na sa mga panahon ng krisis tulad ng nararanasan natin sa ngayon ay mayroon pa ring mga taong nagsasamantala sa halip na tumulong at makisimpatya sa mga pamilyang apektado na kapwa rin naman nila mga Pilipino.






error: Content is protected !!