PH-4 Carlo Llanes Navarro inalala ang naging pakikipaglaban niya sa COVID-19!



Si Carlo Llanes Navarro ang isa sa mga mapapalad na taong nakaligtas sa nakakatakot na sakit na coronavirus. Siya ang ika-apat na pasyenteng naitala ng Department of Health (DOH) na mayroong COVID-19 sa ating bansa na pinangalanang PH-4. Ayon sa ilang mga ulat, siya ay isang empleyado ng Deloitte sa Bonifacio Global City sa siyudad ng Taguig.



Ilan sa mga sintomas na kaniyang naranasan ay ang lagnat at panginginig ng buong katawan habang naka-confine siya sa Saint Luke’s Global City at kalaunan ay nailipat na siya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa siyudad ng Muntinlupa. Ngunit kamakailan lamang, ika-12 araw ng Marso nang nagsilbing inspirasyon sa publiko ang kaniyang pagbabahagi ng naging karanasan niya patungkol sa nakakatakot na virus.

Aminado siyang nakakatakot at hindi talaga birong maituturing ang naturang virus dahil nakakagimbal na karanasan talaga ang iyong pagdaraanan. Ayon sa kaniyang naging pahayag ay hinala niyang nakuha niya ang sakit sa kaniyang katabing Pilipino na walang tigil ang pag-ubo habang sila ay nasa biyahe pauwi ng bansa lulan ng isang eroplano galing sa Japan.


Makalipas ang isang linggo ay unti-unti nang nagpakita ang sintomas ng COVID-19 sa kaniya, nanginginig ang kaniyang katawan at mayroon siyang sinat na 37.7 C. Makalipas ang ilang mga araw ay nawala na ang kaniyang lagnat ngunit nanakit naman ang kaniyang katawan at nagkaroon siya ng matinding pag-ubo.


Laking pasasalamat na lamang niya na nagnegatibo ang kaniyang pamilya, at ang kanilang driver. Dagdag pa ni Carlo, sa kabila ng mga sintomas na kaniyang nararamdaman ay may posibilidad pa ring magkaroon ng sakit ang ibang tao at hindi ito magpapakita ang anumang sintomas. Pinaalalahanan niya rin ang publiko na huwag gawing biro ang mga ganitong pangyayari dahil sa hindi lamang ang kanilang mga buhay ang nakasalalay kundi maging ang kapakanan ng kanilang buong pamilya at ng mga tao na kanilang nakakasalamuha.




error: Content is protected !!