Bansang Croatia nakaranas ng napakatinding lindol habang sila ay nasa COVID-19 lockdown!



Marami sa atin ang walang tigil sa pagrereklamo, panghuhusga at pagsasamantala sa ating kapwa sa kabila ng mga krisis na ating nararanasan. Nakakalungkot isipin na ganito na ang kaisipan ng karamihan sa ating mga kababayan sa ngayon.



Tunay nga na mahirap ang buhay at mas nagpahirap pa dito ang krisis na ating patuloy na nilalabanan hanggang sa ngayon, ang pagkalat at paglaganap ng COVID-19. Ngunit lingid sa ating kaalaman na mayroong ibang mga tao at ibang mga bansa ang mas nahihirapan pa sa ngayon.


Tulad na lamang ng sinapit ng bansang Croatia. Kamakailan lamang ay gumimbal sa publiko ang nangyari sa bansang ito na matinding lindol. 17 katao ang nasaktan at 15 taong gulang na binatilyo ang nasa kritikal pang kondisyon.


Ayon na rin sa kanilang Prime Minister na si Andrej Plenkovic, ang lindol na ito na ang pinakamalakas na pagyanig sa Zagreb, ang kapital ng bansa, sa loob ng 140 taon. Dahil sa lockdown na kinakaharap din nila sa ngayon dahil na rin sa paglaganap ng COVID-19 ay wala na silang iba pang magawa kundi ang manatili sa labas ng kanilang mga tahanan na nasira ng lindol.



Sa kabila ng kanilang mas mahirap na pinagdaraanan sa ngayon ay hindi pa rin nagsasawang magpaalala ang kanilang Prime Minister na dapat pa rin nilang panatilihin ang social distancing upang hindi na lubusan pang kumalat ang nakakatakot na sakit. Ang bansang Croatia ay matatagpuan sa Southeastern Europe.


Ito ay napapagitnaan ng Mediterranean Sea and Central Europe. Marahil ay marami rin sa atin ang namangha sa lugar na ito dahil naitampok din ito sa bagong proyekto ng “on and off cam” partner na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Talaga namang napakaganda ng lugar na ito. Ngunit nakakalungkot lamang na nararanasan nila ang mga ganitong pangyayari nang sabay-sabay. Nawa ay malampasan nila at mapagtagumpayan nila ang sitwasyon nila sa ngayon.






error: Content is protected !!