Dawn Zulueta, ginawang family room ang kanilang living room mula nang ipanukala ng gobyerno ang community quarantine



Si Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo ay mas nakilala ng publiko bilang si Dawn Zulueta. Siya ay 51 taong gulang na aktres, host at commercial model. Siya ang kaisa-isang artista sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang nag-uwi ng dalawang acting award nang magkasabay.



Ito ang Best Actress at Best Supporting Actress sa 1991 FAMAS Awards. Siya ay kasal sa isang kilalang negosyante at pulitiko na si Antonio Ernesto “Anton” Floirendo Lagdaméo Jr. taong 1997.


Sila ay biniyayaan ng dalawang mga anak sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen. Tunay nga na isa siya sa mga aktres na tila hindi kumukupas ang kagandahan sa paglipas ng mga taon at tila mas lalo pang gumaganda habang nagkakaedad.

Kamakailan lamang ay kinabiliban ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang kaniyang ginawa sa kanilang living room. Dahil sa ipinapatupad na community quarantine ay napagdesisyunan ng aktres nagawin nang family room ang kanilang living room.


Talaga namang sinasamantala niya ang pagkakataon upang makasama niya ang kaniyang asawa at mga anak dahil sa suspendido na rin ang mga trabaho at eskwela dahil sa lockdown. Sa katunayan ay napaganda ng naging ayos ng kanilang dating living room na ngayon ay family room na ng mag-anak.



“We cleared away the furniture in our living room since we’re not expecting to entertain guests any time soon, and we placed our game table there, made it our makeshift family room.” Pahayag ni Dawn sa kaniyang social media account.

“Lately, we’ve been enjoying our days together as a family. Prepping our meals, playing board games, conversing and digitally detoxing-just for good measure.” Dagdag pa niya.

Tunay nga na sa mga panahong ito ay nabibigyan tayo ng pagkakataong mas mapalapit pa sa ating mga mahal sa buhay na noon ay halos hindi na natin makausap dahil sa masyadong abala tayo sa maraming mga bagay.






error: Content is protected !!